^

Pang Movies

Isabelle na-shock sa trabaho sa nilipatang network

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kahit na nasa bakuran na ng ABS-CBN 2 si Isabelle Daza, dumating pa rin ito sa press conference ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Kubot: The Aswang Chronicles 2 sa bakuran ng GMA-7.

Sey ni Belle na kahit nasa ibang network na siya, trabaho lang naman daw iyon. She still keeps her friends na nasa Kapuso network.

“Nagtatrabaho lang naman tayo. Sa ibang network lang ako ngayon but my friends here in GMA-7 ay friends ko pa rin.

“It’s been two weeks since I signed a contract with ABS-CBN 2. ‘Yun lang ‘yon. It will not change who I am and the people I worked with from the start,” ngiti pa ni Belle.

Sisimulan na nga ni Belle ang teleserye na Natha­niel with Gerald Anderson and Shaina Magdayao. Dumaraan sa ilang workshops si Belle para magkakilala sila ng husto ni Gerald.

“Kailangan na namin ni Gerald to get to know each other. Parang ‘yung scenes namin, may mga halikan factor. Hindi ko pa siya kilala, so kaila­ngang ma-break ‘yung wall.

“Dun sa Dos, work is work. Hindi mo inisip yung, ‘Oh, my gosh, I don’t want!’ or ‘yung pagkaarte, you know? You can’t make arte there, parang kailangan work is work.

“Dun sa workshop, kailangan ‘yun. Dapat mo gawin. So, talagang na-culture shock ako... not naman culture shock, pero shocked ako. And then, after, I realized na, ‘Okay, ganito pala rito.’”

Natuwa naman si Belle sa pagkaka-engage na ng kanyang kaibigan na si Solenn Heussaff sa live-in boyfriend nitong si Nico Bolzico.

Masayang-masaya nga silang magbabarkada dahil sa bagong chapter ng buhay ni Solenn. Pero magiging very private daw ang magiging wedding nito.

“Solenn is very private,  so gusto niya intimate wedding, lahat intimate. And we are very happy for her.

“We’re not sure if next year na sila ikakasal or next, next year. They’re still deciding on it,” ngiti pa ni Belle.

Sa Kubot nga raw ay pinahirapan siya nang husto ni Direk Erik Matti dahil marami siyang mga action scenes.

“I did all the scenes myself. Nakakapagod i-shoot ang mga scenes talaga, but when you watch it na, I surprise myself kasi nagtataka ako kung paano ko siya ginawa? Ganun ako ka-determine to play my role in Kubot,” pagtatapos pa ni Isabelle Daza.

Mark nagpasalamat na hindi pa rin iniiwan ng fans kahit may anak na

Naging very memorable ang 28th birthday ng kauna-unahang male winner ng StarStruck na si Mark Herras. Nag-celebrate siya kasama ang scholars ng Silong Tanglaw Foundation sa Enchanted Kingdom last December 14.

Nag-celebrate muna si Mark sa Sunday All Stars tapos ay dumiretso siya sa Sta. Rosa, Laguna para makasama ang mga bata. Kasama nga niya ang kanyang anak na si Ada na naki-birthday sa kanyang mga bisita.

Wish ni Mark ay maging maayos ang lahat para sa kanya at sa kanyang pamilya.

“Ang wish ko ay more blessings, more projects, less problema. Siyempre good health for my baby, and sana lumaki siyang maayos.

“Pero huwag masyado mabilis, kasi mabilis siyang lumalaki, and ‘yun lang naman. Sana makasama ko yung family ko habang buhay, sana ganun pa rin.”

Simula nga noong maging isang daddy na si Mark, malaki na raw ang pinagbago ng buhay niya. Mas naging responsible raw siya at binawasan na niya ang maging masyadong magastos. Lahat daw ng kinikita niya ay para na sa future ng anak niya.

Nagpapasalamat si Mark na kahit na may anak na siya, nandiyan pa rin daw ang kanyang mga fans.

“Naiintindihan naman nila dahil tao naman ako, and hindi na rin ako bumabata, I’m 28 now.

“So, salamat at nandiyan pa rin sila at sumusuporta sa atin. Mabawasan man sila o madagdagan, ang importante ay may mga taong nagmamahal sa iyo anumang pagdaan mo,” pagtatapos pa ni Mark Herras.

Britney walang hiyang ibinuyangyang ang katawan kahit may dalawang anak na

Hindi pa nga nagpapatalo sa pagpapa-sexy si Britney Spears dahil sa kanyang cover for Women’s Health for January-February 2015 issue ay wala itong takot na nagsuot ng neon two-piece bikini.

Sey ng 33-year-old popstar and mother of two boys, ang secret sa kanyang sexy body ay diet at daily fitness routine.

“After I had Jayden, it was real easy for me to get back in shape. But five years later, I started noticing changes in my body. My hips are a little bit wider because I’ve had kids. So it was crucial for me to be continuous with my exercise.

Wala nga raw personal trainer si Britney sa kanyang workout.

“Daily exercise is important for me both mentally and physically. I don’t mind working out. Trainers keep you motivated, but I didn’t have a problem being motivated.”

Hilig nga raw kainin ni Britney ay “any kind of fruit”. Pero nag-i-indulge din daw siya paminsan-minsan sa kanyang paboritong sushi and sweet tea.

vuukle comment

AFTER I

AKO

BRITNEY

ISABELLE DAZA

KANYANG

MARK HERRAS

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with