^

Pang Movies

VIP tickets sa concert ni Julie Anne pinamimigay lang?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Bago pa ang kanyang concert ay marami nang issues tungkol kay Julie Anne San Jose. May nagkakalat pa na kesyo ang ticket naman daw sa concert niya ay “buy one take one.” Lalo pang masama ang naging mga tsismis nang may mag-post sa ilang social networking sites na nag-aalok ng tickets sa kanyang concert nang libre lang, at kung sino’ng interested ay magpadala lang ng private message para malaman kung saang lugar ang meeting place na malapit lang sa concert venue para makuha ang mga libreng tickets sa concert.

Ang nakakatawa pa, ang nakalagay sa picture at sinasabing ipinamimigay nila ay mga high priced tickets. Usually, iyan ang nauubos na una, at naiiwan ang general admission, pero sa concert na iyan ang ipinag-aalukan nga nila ay ang mga prime tickets. Siyempre iba na ang usapan kung ganoon.

Pero siguro, may isang bagay na kailangang linawin. Mukhang mali naman na basta may ganyan at sabihin na agad na flop ang concert niya. Talaga namang may nangyayaring fans na may kaya rin naman, na dahil sa hangad nilang makatulong ay bumibili ng maraming tickets at ipinamimigay nila sa iba. Gusto nilang makatulong sa concert ng kanilang idol dahil malaki talaga ang venue, MOA Arena.

Sabihin na nating may ibang may kaugnayan sa show na nagpamigay din naman ng mga ticket dahil sayang ang malaking venue at ang show, kung nakabawi na naman sila ng puhunan sa kanilang benta. Hindi naman kasi siguro gaanong malaki ang puhunan diyan, maliban na lang sa bayad nila sa hologram machines na talagang mahal. Alam namin kung magkano ang halaga ng mga hologram machines dahil sa isang attraction sa Star City, ang Heart of the Dragon ay gumamit din ng hologram technology.

Ang mali lang diyan sa tingin namin, bakit nga ba inilagay ang concert niyang si Julie Ann sa isang napakalaking venue, at nataon pa sa ganitong panahon na Pasko, ma-traffic kaya maraming pinag-kakagastusan ang mga tao.

Aga malaki ang kaibahan sa mga aktor ngayon

Tama ang kuwento ni Manay Ethel Ramos tungkol kay Aga Muhlach. Malaki nga ang kaibahan niya sa iba pang mga artista. Una, hindi mo nabalitaan si Aga na nag-bisyo ng kung ano.

Sa buong panahon ng kanyang pagiging artista, hindi siya nasangkot sa anumang basag-ulo. Hindi nabalita minsan man na naglalasing siya. Hindi siya nabalitang nanggugulo. Tingnan ninyo, hindi rin siya kagaya ng iba na tadtad ng tattoo ang katawan.

Alam naman natin  na si Aga ay galing din sa isang broken family, pero nagsikap siya at inilagay sa ayos ang kanyang buhay. Maganda ang kanyang kabuhayan at napalalaki niya nang maayos ang kanyang mga anak. Wala rin siyang controversy sa kanyang pamilya.

Kung titingnan mo nga, si Aga ay kabilang sa iilan lamang na mga artistang malinis talaga ang buhay.

Iyan ‘yung klase ng artista na hangaan man ng fans, masasabi mong ok lang at maaari nilang panundan talaga, kasi nga wholesome talaga ang kanyang dating.

‘Di tulad ng ibang mga artista ngayon na wala pa ngang mga name kung anu-ano’ng gulo na ang kinakasangkutan, alam mong nag-a-addict, aba iyan ang klase ng artista na basta hinangaan ng anak mo, tiyak na mababatukan mo.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALAM

CONCERT

JULIE ANN

JULIE ANNE SAN JOSE

KANYANG

KUNG

MANAY ETHEL RAMOS

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with