^

Pang Movies

Ayaw matakot P-Noy mas gustong panoorin ang pelikula ni Bimby kaysa sa Feng Shui ni Kris

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kahapon sa presscon ng Feng Shui 2 ay inulit ni Kris Aquino na hindi siya nakikipagkumpetensiya sa pagiging no. 1 sa The Amazing Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda kung saan kasama ang kanyang anak na si James “Bimby” Aquino Yap.

Ang gusto lang daw niya ay kumita sila ng kanyang mga kasosyo sa K Productions. She revealed na sumosyo pala sa kanya ang co-star sa pelikula na si Coco Martin at ang direktor nilang si Chito Roño.

“’Yung dalawa, ganu’n ka-bilib sa project because I’m co-producing it with Star Cinema pero du’n sa co-production share ko, bumakas sila sa share ko. So, lahat kami naglabas kami ng hard-earned money namin. Kaming tatlo actually, nagbakas sa K Productions,” say ni Kris.

Kaya siyempre, ayaw daw n­iyang mapahiya sa dalawang kasosyo at gusto niyang maibalik niya ng doble ang mga pera nito.

“Sa akin, ano lang talaga, we know our cost, we know our break-even points. So, ‘yun lang naman talaga ang pine-pray ko. Na madoble ‘yung nilabas naming tatlo.

“Kasi, kahiyaan ‘to, eh. Baka mapaabono ako, sa kanilang dalawa. Simpleng-simple ang dinasal ko. Kasi ‘di ba, nu’ng Monday was Immaculate Concepcion. So nu’ng nag-mass ako, sinabi ko na “I’m not gonna be greedy, Mama Mary, kung ibibigay Mo lang talaga, through Your intercession sana, huwag lang akong mapahiya sa mga partners ko at sana, ‘yung buong puso nilang shinare sa akin ngayon, please God, maibalik ko sa kanila ng times 2, para hindi ako mapahiya,” pahayag ng Queen of All Media at Horror Queen.

When asked kung ano ang unang panonoorin ni President Noynoy Aquino sa dalawang pelikula, buong ningning niyang sagot Praybeyt Benjamin. Pero siyempre, pagkatapos nito ay ang Feng Shui 2 naman. Manonood daw sila on the first day mismo, Dec. 25.

“Wala siyang choice. Back-to-back siyang manonood. But we made a deal talaga na we’re all watching Praybeyt… together with Vice (Ganda) and all, tapos we’re gonna watch Feng Shui 2 toge­ther,” she said.

Brapanese actor very proud buong pamilya ni Daniel tinutulungan ni Kris

Masayang-masaya si Daniel Matsunaga na nabigyan na siya ng ating bansa ng permanent residency kaya puwede na siyang manatili talaga sa ‘Pinas.

Ang next wish naman niya ay maging isang naturalized Filipino citizen pero alam naman daw niyang matagal ang proseso nito at willing naman daw siyang maghintay. Sa ngayon ay very happy na siya sa permanent residency na na-grant sa kanya.

“Just the permanent residency is already a huge thing in my life. I’m here five years na. Siyempre, ang plano ko is to stay here and to bring my whole family here kung kaya ko,” say ni Daniel sa presscon ng Shake, Rattle & Roll XV kung saan ay isa siya sa bida sa Flight 666 episode with Lovi Poe and Matteo Guidicelli.

Ayon pa kay Daniel, gusto niyang manatili sa Pilipinas at dito makapag-settle down at bumuo ng pamilya. Pinay daw ang gusto niyang mapangasawa, if ever.

“Yun naman ang purpose. Gusto ko Pinay, pero in God’s time, in God’s perfect timing. If I have an opportunity to be natu­ralized, it’s gonna be amazing for me, and I really want that to happen.” Inamin din ng Pinoy Big Brother (PBB) All In Big Winner na tinulungan siya ni Kris Aquino para mapadali ang proseso ng permanent residency niya at labis niya itong ipinagpapasalamat. Pero hindi raw ito dapat bigyan ng ibang kulay dahil magkaibigan lang daw talaga sila.
“Siguro kasi sobrang mabait siya, hindi lang sa akin kundi sa buong pamilya ko. She’s a blessing to our lives. Maybe God used her to work in people’s lives,” say pa ni Daniel.

Sa ngayon daw ay wala siyang love life at hindi naman daw siya love less dahil nandiyan naman daw ang pagmamahal ng kanyang pamilya.

“I miss having a girlfriend. It’s something that is an option. Right now, trabaho muna ako. Right now, mahirap kasi ang mga sche­dules ko, sobrang busy ako sa work. If I have a relationship, siyempre I want to spend time with my girlfriend, ‘di ba? She deserves it. Ako po, I’m even having a hard time to spend time with my Mom ngayon, nandito siya. Kasi talagang I don’t even stay at home,” say pa ni Daniel.

vuukle comment

ALL IN BIG WINNER

DAW

FENG SHUI

IF I

K PRODUCTIONS

KASI

KRIS AQUINO

NAMAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with