^

Pang Movies

Iñigo high maintenance na GF ang hinahanap

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Ang suwerte naman ni Iñigo Pascual at matutupad agad ang pangarap niyang makalabas sa Maalala Mo Kaya na katambal si Julia Barretto bago ang pagsasamahan nilang project na Para sa mga Hopeless Romantic.

First time nga na sumabak sa MMK ni Iñigo na dream project ng anak ni Piolo Pascual. Dati ay pinapanood lang daw niya at inaaasam na maging part ng MMK. Hindi naman daw mabigat ang character niya sa MMK kundi light lang, pero  challenging pa rin sa part ni Iñigo kaya masaya siyang mapi-feature siya sa MMK. Tiyak na ikukumpara na naman siya sa tatay niyang si Piolo, pero nagsisilbi raw itong motivation sa kanya para lalo pang pagbutihin ang kanyang acting.

“I love acting. But I know I need to work hard,” sabi ni Iñigo sa 28th Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC) last Sunday sa Solaire Resorts and Casino Ballroom Hall kung saan siya ang nanalong Male Star of the Night.

Wish lang ni Iñigo na makasama niya sa isang project si Piolo bago pa man daw ito mag-retire. Game si Iñigo sa kahit anong project mapa-indie film, teleserye, or movie basta makasama lang ang ama nito. Thankful si Iñigo sa kanyang daddy na napaka-supportive. Para na raw siyang nagwo-workshop kapag nagtuturo ito sa kanya kung ano ang dapat gawin sa isang eksena or sa kanyang trabaho. Isa sa bilin ng tatay niya ay mag-slow down siya kapag nakikipag-usap at dapat bigkasin nang mabuti ang kanyang Tagalog dahil nga sa mabilis siyang magsalita palibhasa’y laki sa U.S. ang bagets.

Bukod sa MMK, meron din silang Wansapantym episode na pagsasamahan  ni Julia.

Wala pa raw siyang GF at inamin na nagdi-date sila ni Sofia Andres. Gustung-gusto raw niyang la­ging kausap ang dalaga. Type naman niya sa girls ang masayang kasama, elegant and high maintenance. 

Balak pala ni Iñigo na bumalik sa U.S. sa September na school time naman doon. Gusto raw kasi niyang pumasok sa regular school para tapusin ang kanyang last 2 years sa high school. Ngayon ay naka-enroll siya under ng online study program. Pinag-iisipan pa niya kung multi-media arts or archicture ang kukuning course sa kolehiyo.

Pinag-aaralan din niya na maging member ng boy band na offer sa kanya sa U.S. Ipinagpi-pray pa raw niya ang tamang decision kung ano ang gagawin niya. Bukod sa acting, hilig din ni Iñigo ang music na siyang bonding nilang mag-ama.

Anak ni Moi takot pa rin kay Papa P

Ang bait namang kapatid ni Moi Bien (personal assistant ni Piolo) dahil ang kinita niya sa katatapos na Hawak Kamay ay ibinigay niya sa kanyang mga kapatid para pambili ng bigas.

Nakailang labas lang daw siya sa series kaya saglit lang ang exposure niya, pero enjoy siya lalo na sa masayang ending ng palabas.

Ngayon ay bakasyon muna ang beauty niya kasama pa rin ang anak niyang si Isaac Marie na grade III na sa St. Marys na nahihiya pa rin at natatakot pa rin kapag  kasa-kasama nila si Piolo sa bahay. Behave ang bagets kapag nakikita si Papa P  na alam daw nito na discipli-narian. Hindi lang pala si Piolo ang nagpapaaral kay Isaac Mary kundi may isa pang friend si Moi.

vuukle comment

BUKOD

BUT I

HAWAK KAMAY

IGO

NIYA

PAPA P

PIOLO

PLUSMN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with