^

Pang Movies

Aljur di pa pinag-interesan ng ibang channel

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Natawa naman kami sa mga kuwento, mukha raw ikinu-consider na ni Aljur Abrenica na magbalik sa GMA-7, at mukhang magkakaroon sila ng kasunduan sa kabila ng kanyang iniharap na demanda laban sa kanyang home network.

Bakit hindi kami matatawa, noong nagsampa ng demanda si Aljur, ang sinasabi niya ay hindi niya nagugustuhan ang pagpapatakbo ng kanyang career ng kanyang home network. Inireklamo niya na medyo may mga ipinagagawa sa kanyang off beat, kagaya nga noong mga kantang sa palagay niya ay double meaning. Sinasabi rin niyang hindi niya gusto ‘yung sexy image na ipinipinta sa kanya ng kanyang home network. Hindi niya hiningi na baguhin ang treatment o mga plano para sa kanya. Ang hiningi niya noon ay ipawalang bisa na ang kanyang kontrata para diumano “magawa niya ang nararapat para sa kanyang sarili bilang isang artist”.

Ngayon matapos ang ilang buwan na siguro nga naranasan niyang bagsak ang kanyang career dahil ni hindi siya napapanood sa telebisyon, at wala siyang pinagkakakitaan kundi ang mga maliliit na shows sa mga probinsiya na tiyak namang ang talent fee ay hindi kagaya noong panahong sikat siya sa TV, aba biglang lumambot ang kanyang statement at sinasabi ngang posibleng makipag-ayos na lamang siya sa kanyang home network.

May isa pa kasing punto na dapat nating isipin. Noong panahong nagwala si Aljur, hindi nagpakita ng interesting ABS-CBN o TV5 na kunin siya. Meaning, ang paniwala siguro nila, hindi worth the trouble na kunin siya. Kung malakas iyan, palagay namin kahit na magkaroon ng demandahan sa kontrata may lalaban diyan. Kaso wala ngang pumatos, at naging negative pa ang lahat halos ng publisidad niya.

Lauren Young mas dapat pag-isipan ang career kesa ipangalandakan na may bf na

Inamin na raw ni Lauren Young na mayroon na siyang non-showbiz boyfriend. Pero nilinaw niyang sinabi lang niya iyon para ipaalam lang sa fans niya kung ano ang totoo. Iyon daw pag-amin niya ay walang kinalaman sa ginawa ring pag-amin ng dati niyang boyfriend na si Elmo Magalona na talagang on na sila ng ka-love team na si Janine Gutierrez.

Hindi naman siguro talagang mahihirapang makahanap ng bagong boyfriend si Lauren Young dahil sa totoo lang, maganda naman siya. Isa pa, aba ipagmamalaki naman ng kahit na sinong lalaki na ang syota niya ay kapatid ng Miss World. Iba ang dating.

Pero hindi iyang pagkakaroon ng boyfriend ang dapat iniisip ni Lauren Young kundi kung ano ang gagawin niya sa kanyang career. Alam naman natin na iyong pelikulang ginawa niya ay hindi nga masyadong kumita. Papaano siyang makakabawi?

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ELMO MAGALONA

JANINE GUTIERREZ

KANYANG

LAUREN YOUNG

MISS WORLD

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with