^

Pang Movies

Ruffa at Annabelle Rama magkasira na naman

- Vinia Vivar - Pang-masa

War na naman pala ang mag-inang Annabelle Rama and Ruffa Gutierrez. And to think na kababati lang nila, huh!

Magkahiwalay kasi silang dumating sa laun­ching ng Appefize, isang software application kung saan ay naglagay sila ng Celebrity Apps wherein pwede mong basahin ang mga infos or latest updates tungkol sa paborito mong artista.

Naunang dumating si Ruffa sa Appefize event held last Thursday at Manila Polo Club at pag-alis niya, saka naman dumating ang Mommy niya.

Inamin ni Ruffa nang ma-interview namin siya na galit na naman daw sa kanya ang ina.

 “Hate na naman niya ako. Sana naman by next week, she loves me again,” she said.

Hindi nga raw niya alam kung bakit sa dinami-dami nilang magkakapatid, siya lang daw ang paboritong away-awayin ng ina.

“Alam mo kasi si Mommy, kailangan, mayroon siyang pinagkakaabalahan na parang favorite niyang ano, parang taga-aliw niya kasi kung hindi ako lagi ang nakikita niya, she always picks on me for no reason.

“Ako talaga paborito niyang away-awayin. ‘Di naman niya inaaway si Mond (Raymond), ‘di naman niya inaaway si Chard (Richard). Sabi ko “Ma, don’t you want me to be happy?” Parang ­fee­ling ko, hate na hate niyang happy ako,” say pa ni Ruffa.

Samantala, dahil active social media and Internet user si Ruffa, happy siya na may sarili siyang celebrity apps sa Appefize. Para sa kanya, malaking tulong daw talaga ang mga ganitong technology sa kanilang mga artista dahil naipaparating nila sa kanilang followers ang lahat ng gusto nilang sabihin.

“It has good points and bad points. Ako, I’m very active on social media, I’m very open kasi para sa akin, the fans wanna know what you’re doing, they wanna know what you’re eating, where you’re going, and hindi na uso ngayon sa mga artista na hindi active sa social media.

“Pati kapatid ko na si Richard, dati pa-private-private siya, ngayon wala siyang choice, ‘di ba?

 “So, for me, it’s a way to reach out to your fans and ngayon, nire-require na rin ng mga endorsements na maging active kayo sa social media. So, for me, I think, it’s a very good thing,” say ni Ruffa.

IYA NAIBA ANG ENERGY

NANG MAG-ASAWA

Kitang-kita sa aura ni Iya Villania na happy siya sa buhay niya ngayon dahil ang ganda-ganda niya nang dumalo sa contract signing and presscon ng ATC Healthcare International Corporation kung saan ay ine-endorse niya ang produktong Redox Fat.

Mas maganda pa siya ngayon kaysa noong dalaga pa siya and it really shows how happy she is ngayong isa na siyang Mrs. Drew Arellano at aminado naman ang aktres na masaya siya talaga ngayon.

“In every aspect, I’m really happy. It’s (married life) given me this whole new energy na sobrang positive, na sobrang saya. It’s a new life, para kaming nagbabahay-bahayan and I feel that living with Drew actually makes it easy for me to be more active and more fit,” sabi ni Iya.

Bukod sa bagong buhay bilang may asawa, new life rin ngayon si Iya sa kanyang career dahil as we all know, balik-GMA-7 siya after 10 years of being a Kapamilya. She’s looking forward sa mga bagong opportunites na ibibigay sa kanya sa Kapuso.

Aside from Iya, dumating din sa ATC laun­ching and contract signing ang iba pa nilang endorsers para sa iba’t ibang produkto tulad nina Nikki Gil (for Reducin), Jackie Rice (for Robust), Amy Perez (for Strike Mosquito Repellent Patch), at Mr. Raffy Tulfo (for Robust Extreme).

vuukle comment

AMY PEREZ

ANNABELLE RAMA

APPEFIZE

CELEBRITY APPS

IYA

NIYA

RUFFA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with