^

Pang Movies

Manny P320 million ang kikitain ‘pag nabenta ang bahay sa Forbes

STARTAL - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi ko ikinagulat ang balita na ibinebenta ni Congressman Manny Pacquiao ang bahay niya sa Cambridge Circle, Forbes Park, Makati City.

Kung ako ang nasa lugar ni Papa Manny, ipagbibili ko rin ang bahay sa Forbes Park na hindi naman natitirhan dahil namamalagi sa General Santos City ang kanyang pamilya. May bahay rin sila sa Laguna na malapit sa international school na pinapasukan ng mga anak nila ni Jinkee.

Year 2011 nang bilhin ni Papa Manny ang Forbes Park home sa halagang P388 million. Tumaas na ang presyo ng property na balak ipagbili ni Papa Manny sa tumataginting na P708 million.

Kapag naipagbili ni Papa Manny ang bahay sa halagang P708 million, kikita siya ng P320 million na  malaking halaga para sa mga katulad natin na simple lang ang pamumuhay.

Sina Senator Loren Legarda, GMA 7 President Atty. Felipe Gozon, at Armida Siguion Reyna ang ilan sa mga kakilala ko na nakatira sa Forbes Park at malapit sa bahay nina Papa Manny at Jinkee.

Mga old rich ang mga  residente ng Forbes Park na huling pinuntahan ko nang mag-treat si Mama Loren ng lunch sa bahay nito na punumpuno ng mga art work.

Napuntahan ko na rin ang bahay ni Papa Manny sa Forbes Park pero hindi pa siya ang may-ari. Kung hindi ako nagkakamali, mid-90’s nang tumuntong ako sa bahay na hindi mo iisipin na balang-araw eh magiging property ni Papa Manny.

Direktor nagbago ang ugali nang magka-award ang mga Flop sinang pelikula

Nagbago na ang ugali ng isang direktor mula nang manalo ng award ang kanyang mga pelikula.

Naging mailap ang direktor sa mga tao na nakatulong sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya.

Hindi basta mailap ang direktor dahil hindi na nito binabati o kinakausap ang mga tao na sumuporta sa kanya noong struggling director pa lamang siya.

Hindi affected ang mga da­ting kasamahan na dinededma ng direktor dahil hindi ito kawalan sa kanila. May karapatan daw na mang-isnab ang direktor kung kumikita sa takilya ang mga pelikula nito. Ang kaso, puro flopsina ang mga project ng direktor na naging mapagmataas at parang nalunod sa kalahating baso ng tubig.

Me time natupad ni Lovi

Natupad ang dream ni Lovi Poe na magkaroon ng “me time” sa Japan dahil engrandeng-engrande ang kanyang pagbabakasyon.

Hindi kasama ni Lovi sa Japan vacation ang boyfriend na si Rocco Nacino pero updated ito sa mga pi­nu­puntahan at ginaga­wa ng kanyang girlfriend.

Kasama ni Lovi sa Japan ang kanyang ina, ang ex-actress na si Rowena Moran na may sariling lakad kaya solo flight ang anak niya sa paglalamiyerda.

Sa pagbabalik ni Lovi sa Pilipinas, magiging busy siya sa promo ng Shake, Rattle & Roll XV.

Official entry ang pelikula sa Metro Manila Film Festival at sigurado na ang pagsali ni Lovi sa Parade of Stars na hindi pa alam kung kailan dahil hindi pa naglalabas ng advisory ang Metro Manila Development Authority (MMFF) at ang MMFF executive committee.

Mula nang maging overacting ang traffic situation sa Metro Manila, binago na ang araw ng Parade of Stars ng MMFF na idinaraos tuwing Linggo at hindi na sa nakasanayan na tradisyon na December 24.

Pabor sa mga taga-probinsya na ginaganap tuwing Linggo ang parada ng mga artista dahil nakakaluwas sila sa Maynila para manood.

vuukle comment

BAHAY

FORBES PARK

LOVI

MANNY

PAPA MANNY

PARADE OF STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with