^

Pang Movies

Matinee idol bukung-buko ang kabaklaan sa Amerika

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - H…., ang mala-baklang tili ng isang tinaguriang matinee idol ng isang leading network sa isang lugar sa LA. Ito ang nasaksihan ng ilang Pinoy na nagulat sa inasal o tili ni matinee idol.

Maski raw si H ay natigilan sa inasal ng matinee idol na matagal nang pinagdududahan ang gender. Bakit kasi hindi pa mag-open ang maraming aktor na pinaniniwalaang beki gayung maraming Hollywood stars ang umamin na at tinanggap naman ng madla. Parang normal na lang ngayon ito unlike noon na nililibak. Oh well.

Pinag-uusapan pa rin ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao kay Chris Algieri. Pero bakit kaya wala man lamang magandang pagsalubong na iginawad kay Manny gaya nang nakakaraan. Sa rami nang problema ng bansa ay malaking bagay ang ginawa ni Manny kahit panandalian para maibsan ang mga ito. Kahit sa GenSan siya dumiretso ay puwede naman doon gawaran ng mga namumuno sa atin ng recognition he deserves.

Gayun pa man ay tuluy-tuloy si Manny sa kanyang araw-araw na ritual na pagbabasa ng Bible at pagtulong sa mga kapuspalad nating mga kababayan. Tuloy pa rin ang programa niya sa GMA 7.

Kuya Germs masama ang loob kay Rufa Mae

Sumama pala ang loob ni Kuya Germs na hindi man lang na-acknowledge ni Rufa Mae Quinto ang That’s Entertainment na pinanggalingan niya sa acceptance speech niya Bilang Best Comedy Actress sa Star Awards. Marami raw pinasalamatan si Rufa Mae pero hindi sila nabanggit.

Nagpapasalamat naman si Kuya Germs na lagi siyang nano-nomi­nate pero wish na huwag na raw siyang isali at may napatunayan na naman daw siya. Pero hindi naman puwedeng pigilan na iboto siya ng mga miyembro.

Tom at Carla may ‘malaking’ problema

Bakit kaya hindi na kasama si Tom Rodriguez sa matagal nang planong pagpunta ni Carla Abellana sa Sydney, Australia? Noon pa man ay may nagbulong sa amin na si Carla mismo ang nag-aasikaso sa pagbili ng tickets at kasama si Tom sa plano. Ayon sa iba ay may taping daw si Tom ng Don’t Lose the Money na hindi maiwan pero si Carla ay may Ismol Family taping na puwedeng iwanan kahit anong oras gaya ng director nito na si Dominic Zapata na nasa New York ngayon para daluhan ang International Emmy bilang nominado ang My Husbands Lover kasama ang program manager nito at writer. Hindi kaya may ibang dahilan ang hindi pagsama ni Tom kay Carla sa Australia?
Sa Ismol Family nga pala ay awayan ng magbabalae ang magaganap sa episode nito sa Linggo ng gabi sa GMA 7.

 

vuukle comment

BAKIT

BILANG BEST COMEDY ACTRESS

CARLA

CARLA ABELLANA

CHRIS ALGIERI

DOMINIC ZAPATA

INTERNATIONAL EMMY

KUYA GERMS

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with