^

Pang Movies

Bossing hindi pa pala kinakausap ang magulang ng GF: Kasalang Vic at Pauleen malabo pa rin!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay Vic Sotto, ang My Big Bossing na entry niya for this year’s Metro Manila Film Festival ang maiko-consider niyang pinakamagastos sa lahat ng MMFF movies niya dahil times three raw ang budget since trilogy ang movie.

Sa cast pa lang ay madugo na nga ang budget dahil bawat episode ay iba-ibang artista ang kasama niya. At bongga si Ryzza Mae Dizon dahil sa tatlong episodes, siya ang parating kasama ni Bossing Vic bilang isa sa bida.

Nagkaroon na ng presscon ang My Big Bossing last Wednesday kung saan humarap sina Bossing, Ryzza Mae, Niño Muhlach and his son, Alonzo,  Nikki Gil, Pauleen Luna, and Marian Rivera.

Sa Sirena episode ay kasama ni Vic and Ryzza sina Pauleen, Wally Bayola and Manilyn Reynes mula sa direksyon ni Tony Y. Reyes.

Si Marian naman ang leading lady ni Bossing sa Taktak episode na idinirihe naman ni Marlon N. Rivera.

For the Prinsesa episode, si Nikki naman ang kasama with father and son Niño and Alonzo mula sa direksyon ni BB. Joyce Bernal.

Sa presscon ay naitanong na naman kina Vic and Pauleen ang walang kamatayang tsismis na ikakasal na sila. Ang kalat na kalat na balita kasi nga­yon, after ng My Big Bossing ay may big wedding din na magaganap sa kanila next year.

“Ang pinag-uusapan natin dito is My Big Bos­sing. For that, I will have another presscon,” pag-iwas ni Bossing.

Nang si Pauleen Luna naman ang matanong, say niya ay wala pa raw talagang napag-uusapan. Pero siyempre, gusto naman daw niya ay doon din mapunta ang kanilang relasyon.

Ayon pa kay Vic, ang alam daw niyang may big wedding ay sina Marian Rivera at Dingdong Dantes at magni-ninong lang siya.

Pero bakit ang balita, pumayag na ang parents ni Pauleen na magpakasal sila?

“Ay, wala, wala pa,” say ni Pauleen. “Wala pang usapan na ganu’n. That’s pure tsismis.”

Sinegundahan naman ito ni Bossing. “Wala pang ganu’n. Hindi kayo mahuhuli sa mga facts if ever.”

Ilang beses na ring napapabalita na ikakasal sila at say nga ni Bossing, “ewan ko nga kung bakit sila ang naiinip, eh. Eh kung kami hindi naiinip, sila naiiinip.”

Marami nang intrigang pi­nag­daanan ang relasyong Vic-Pauleen at ang maganda sa ka­nila, napapanatili nila itong matatag.

“Hindi kami nagpapadala sa mga sabi-sabi. Basta kung ano ‘yung usapan naming dalawa, sa aming dalawa na lang ‘yun and magaan, magaan ‘yung relationship, eh. Walang masyadong pressure,” say ni Bossing.

Isa pang tsismis na umiikot ngayon ay ipinagpagawa na raw ni Vic ng bahay si Pauleen. Ano ang masasabi nila tungkol dito?

“Hindi naman,” say ni Bos­sing, “may sarili naman silang bahay na sila ang nagpatayo, sila ng kanyang mga magulang. Sila nagpatayo nu’n, wala naman akong kinalaman du’n.

“And if ever na magpapatayo, kami (ang magpapatayo), hindi ‘yung magpapatayo ako ng bahay para sa kanya. Para naman akong. . . (at natawa si Vic), parang hindi naman maganda.”

Ano naman ang feeling ni Pauleen na may mga isyung ganu’n?

“Lahat naman, ini-issue, eh. I don’t think there’s any move ko na hindi ini-issue, eh. So, I guess, you should have to get used to it, pick the ones that really matter, and the rest, throw it away,” say ni Pauleen.

Sa Sirena episode ay special role lang si Pauleen at hindi siya ang love interest ni Vic.

Ayon kay Bossing, he makes sure na laging kasama si Pauleen sa kanyang mga pelikula kahit cameo or special role lang.

“Kahit na tindera lang sa bakery, basta ang importante lang, kasama siya, kahit anon’g role, kahit cameo role. Kulang kasi ang pelikula kapag hindi siya nag-guest, eh. Kulang sa box-office. Kulang sa swerte. She serves as my lucky charm. Napansin ko ‘yun, eh,” say ni Vic.

Napa-wow ang entertainment press at hiningan agad ng reaksyon si Pauleen sa sinabi ni Vic na siya ang lucky charm.

“Sabi niya,” natatawang sabi ng aktres. “No, it’s nice. Ako naman, nagre-representa rin ako kung kailangan niya ng tulong, ng suporta, I’m just always there.”

Say naman ni Vic, sa My Big Bos­sing ay matindi raw ang special role ng girlfriend.

“At saka for the past years,” dugtong ni Pauleen, “one scene lang, daan. Ito, medyo pinaghirapan naman.”

 

vuukle comment

BOSSING

LANG

MARIAN RIVERA

MY BIG BOS

MY BIG BOSSING

NAMAN

PAULEEN

VIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with