^

Pang Movies

Vic hinihintay magbago ang isip!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Vindicated si Pauleen Luna kapag pinakasalan siya ni Vic Sotto dahil mapapahiya ang mga nagsasabi at nagdudunong-dunungan na hindi siya magiging legal wife.

Sure ako na si Pauleen ang happiest girl on earth kapag nag-decide si Bossing na ihatid siya sa altar.

Siguradong mananahimik ang mga nagtataray sa kanya at nagsasalita na wala nang balak na magpakasal si Bossing pagkatapos maaprubahan noon ng korte ang annulment ng kasal nila ni Dina Bonnevie.

Nagbabago ang isip ng mga tao habang nagkakaroon ng edad. Malay natin, bigla na lamang mag-alok si Bossing ng kasal kay Pauleen.

Paandar ng singer-actress sa hiwalayan nila ng starlet na BF, hindi pinatos

Pathetic ang singer-actress na ginagawa ang lahat para mapag-usapan siya at umingay ang kanyang pangalan.

Ang paghihiwalay nila ng kanyang ‘starlet’ na asawa ang madalas na ikuwento ng singer-actress.

Nabigo ang motibo ng singer-actress na makuha ang aten­syon ng publiko dahil dedma sila sa kanyang mga kadra­mahan.

Wa effect ang mga litanya ng singer-actress sa Facebook niya tungkol sa mga dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang dyowa na never na nagkaroon ng name sa showbiz.

Aiai kasamang magpapakaligaya ang dyowa sa Japan

Bumiyahe sa Japan si AiAi Delas Alas at kasama niya ang kanyang boyfriend na si Gerald Sibayan.

Hinintay muna ni AiAi na maipalabas sa mga sinehan ang Past Tense bago siya lumipad sa Japan.

Babalik agad si AiAi sa Pilipinas. Hindi siya puwedeng magtagal sa Japan dahil sasamahan niya ang anak na si Sancho sa contract signing nito sa isang television network. Tuluy-tuloy na ang pagpasok sa showbiz ng panganay ni AiAi na hindi surprising dahil artista ang kanyang ina at stage actor ang tatay niya na hindi ko na papangalanan. Kilala ni Sancho ang kanyang biological father at may communication sila.

Paulit-ulit na sinasabi ni AiAi na masuwerte siya sa kanyang mga anak dahil naiintindihan nila ang ugali niya at mga pangangailangan. Ni minsan, never na nanghimasok o nakialam sa lovelife ni AiAi ang kanyang mga anak.

LT hindi na itinuloy ang pamamahinga

May fans club sina Lorna Tolentino at Gabby Concepcion.

 “GaLor” ang pangalan ng kanilang fans club na nabuo at itinatag noong magkasama sila sa isang teleserye ng ABS-CBN.

Active ang GaLor dahil sa tuwing may mga pagkakataon, personal ang pagbisita nila kina Gabby at Lorna. Nagkakaroon din sila ng mga gathering at special guests ang dalawa.

Ang GaLor ang unang-unang natuwa nang malaman nila na magkakasama sa pelikula ng Star Cinema sina LT at Gabby. Matagal na silang naghihintay at nagre-request na bigyan ng project na magkasama ang dalawa.

Nang matapos ang My Destiny ng GMA 7, sinabi sa akin ni LT na magpapahinga muna ito sa pag-arte.

Nagbago ang isip ni LT nang dumating ang offer ng Star Cinema dahil gusto niya ang project at mabibigyan siya ng chance na makatrabaho ang kanyang pamangkin na si Daniel Padilla.

Therefore, pahinga muna si LT sa paggawa ng mga tele­serye pero gagawin niya ang reunion movie nila ni Gabby.

vuukle comment

AIAI

DANIEL PADILLA

DELAS ALAS

DINA BONNEVIE

GABBY CONCEPCION

KANYANG

NILA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with