^

Pang Movies

Kim mapagpatol, hindi pinalampas ang bintang na binili niya ang best actress award

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kung kami ang tatanungin, hindi na dapat pinatulan ni Kim Chiu ang bashers na nagsasabing hindi siya dapat na manalo sa nakaraang Star Awards for Television, lalo na iyong mga nagsasabing “binili” lamang niya ang kanyang award. Lagi namang may ganyang tsismis eh, at least iyong panalo ni Kim, may basehan kaysa sa ibang nanalo noong araw. Pero may basehan man o wala, ang makasasagot lang niyan ay iyong award giving body. Kung mayroon silang kasama na umaming may bilihan ng awards, ibang usapan iyon, pero habang pinaninindigan nila ang nanalo sa kanilang awards wala tayong magagawa.

Maaari nating sabihing masama ang kanilang choice, pero kanila iyon eh. Hindi naman nila sinabi na nagsagawa sila ng isang masusing pag-aaral bago nagdeklara ng nanalo. Ang sinasabi lang ng award giving bodies ay ni-review nila ang mga palabas na iyan at gumawa sila ng desisyon. Kung sino man ang choice ng mga nag-review, walang magagawa ang kahit na sino.

Ibang klase iyong may ibang nanalo tapos sa iba ibinigay ang award. Nangyayari iyan. Hindi lang noong sinasabi nilang Manila Film Festival scam, nangyari na rin iyan nang ilang ulit sa isang award giving body na iba ang ibinoto ng mga miyembro, iba ang idineklarang nanalo. Mayroon pa kaming alam na isang samahan, na nagtataka ang mga miyembro, dahil iyong mga taong ni hindi napag-usapan sa panahon ng deliberations ay dumating na lang at may tropeo noong awards night.

Iyang akusasyon ng bilihan ng award, palagay namin hindi iyan magagawa ni Kim Chiu. Una, ang yumayari ng mga awards, iyan iyong mga malalakas na “power brokers”. Isa pa, napakalaki ng gastos para bumili ka ng isang award. Palagay naman namin hindi pa ganoon kalaki ang kinikita ni Kim Chiu para magtapon ng pera, para lamang sa isang award. Baka hindi ninyo alam kung magkano ang lagayan kung sakali man, dapat tumahimik na lang kayo.

Isa pa, kaya sigurado kami na walang anomalya, wala kaming narinig na kumilos na power brokers ngayon.

Kuya Germs gumagastos ng 30K sa isang ‘star’

Sa Lunes, mahigit na 30 pa­ngalan na naman ng stars ang pararangalan ni Kuya Germs sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang “stars” sa Walk of Fame na matatagpuan sa Eastwood City. Again, may bashers na namang magsasabi kung bakit hindi pa nailalagay ang sinuman na gusto nila. Alam ba ninyo na bawat isa sa mga tiles na iyon ay nagkakahalaga ng mahigit na 30 libong piso at lahat iyon ay nanggagaling lang naman sa bulsa ni Kuya Germs? Kaya nga gustuhin man niyang ilagay nang sabay-sabay lahat at punuin ang Eastwood, hindi naman niya mabibigla dahil sa malaking gastos.

Bakit may nauuna? Kasi iyon ang sa palagay ni Kuya Germs na dapat mauna, at walang may pakialam kung sinuman ang gusto niyang unahin. After all, gastos naman niyang lahat iyan. Wala siyang ini­istorbong tao. Hindi naman niya pinagbabayad ang sinuman sa stars na inilalagay niya riyan.

Walang sinuman ang puwedeng magdikta kay Kuya Germs kung sinu-sino ang gusto niyang ilagay rito since siya naman ang may gastos sa kanyang proyektong ito. Hindi naman iyan galing sa kaban ng bayan para makuwestiyon ninyo.

vuukle comment

AWARD

EASTWOOD CITY

ISA

IYAN

KIM CHIU

KUYA GERMS

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with