^

Pang Movies

Alice Dixson nanghihingi ng tulong, kasambahay ng kanyang nanay na magnanakaw ‘di pa mahanap

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ngayon ang preliminary investigation sa Provincial Prosecution Office ng Rizal ng Qualified Theft complaint na isinampa ng mga magulang ni Alice Dixson laban sa kanilang dating kasambahay na si Rina Pabilona.

Akusado si Rina sa pagnanakaw sa pera, mga alahas, at ID ng nanay ni Alice.

Nagtatago si Rina sa batas at tumutulong si Alice sa pag­hahanap sa kanya.

Ayaw nang makita ni Alice si Rina pero hinihingi niya ang tulong ng mga tao na puwedeng makapagtuturo sa kinaroroonan ng suspect at maaaring ipagbigay-alam sa mobile number +639369507608 at landline number 658-7267.

Launching movie ng anak ni ER, nabantilawan sa pagkawala niya sa puwesto

Malabo nang makabalik sa puwesto si ER Ejercito dahil pinagtibay ng Supreme Court ang disqualification niya bilang gobernador ng Laguna.

Malungkot ang balita para kay ER at sa kanyang mga supporter pero mababawi niya ang posisyon na nawala kung kakandidato siya sa 2016.

Kapag tumakbo si Papa ER sa 2016, ang Vice-Governor niya na si Ramil Hernandez  ang kanyang makakalaban.

Si Ramil ang pumalit kay Papa ER nang bumaba ito mula sa puwesto noong May 2014.

Nanahimik si Papa ER nang lisanin nito ang Provincial Capitol ng Laguna kaya gustong marinig ng kanyang supporters ang reaksyon niya sa desisyon ng Supreme Court.

Knowing Papa ER, paghahandaan at pinaghahandaan niya ang pagbabalik sa Laguna sa May 2016 dahil sa  paniniwala na hindi makatarungan ang nangyari sa kanyang career bilang pulitiko at public servant.

Parang naapektuhan ng pag-alis ni Papa ER sa  puwesto ang launching movie ng kanyang anak na si Jerico.

Si Jerico ang bida sa Alyas Ben Tumbling at si Kris Bernal ang leading lady niya sa pelikula pero wala na tayong nabalitaan tungkol sa project mula nang iwan ni Papa ER ang posisyon nito sa probinsiya ng Laguna.

Year 2012 pa nang kumpirmahin ni Papa ER na launching movie ni Jerico ang remake ng action movie na pinilahan noon sa takilya at pinagbidahan ni Senator Lito Lapid.

Amy nagpapaka-yaya muna sa Australia

Baby boy ang bagong apo ni Amy Austria at ng kanyang mister na si Duke Ventura sa kanilang anak na si Alex.

Ang pagsisilang ni Alex sa second child nito ang dahilan kaya lumipad sa New Zealand sina Amy at Duke.

Matatagalan sa New Zealand ang mag-asawa dahil aalagaan muna nila si Alex at ang kanilang favorite apo na si Sabine.

Iniyakan ni Amy ang pag-alis ni Sabine sa Pilipinas dahil sila ni Duke ang nagpalaki sa kanilang apo na kailangang bumalik sa New Zealand para mag-aral.

Babalik sa Pilipinas sina Duke at Amy sa January 2015. Hihintayin muna nila na maka-recover nang ganap mula sa panganganak si Alex.

vuukle comment

ALEX

ALICE DIXSON

ALYAS BEN TUMBLING

AMY AUSTRIA

DUKE VENTURA

NEW ZEALAND

NIYA

RINA

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with