^

Pang Movies

Boyet pahinga muna sa Amerika, nagbabantay sa anak na may cancer

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Dalawang beses ko nang hindi nasagot ang overseas call ni Christopher de Leon dahil natutulog ako nang tumawag siya.

Kasalukuyang nasa Amerika si Boyet dahil dinalaw nila ni Sandy Andolong ang kanilang anak na si Miguel.

Babalik na si Sandy sa Pilipinas sa linggong ito, kasama si Primo, ang apo niya na anak ni Miguel. Maiiwan sa Amerika si Boyet dahil babantayan nito si Miguel na sasailalim sa bagong procedure. Ipagdasal natin ang paggaling ni Miguel na na-diagnose noon na may testicular cancer.

Malaki at buong-buo ang pananalig nina Boyet at Sandy sa Panginoon. Alam nila na pagagalingin ng Diyos ang kanilang anak.

Miss Philippines Jamie Herrell malaki ang laban sa Miss Earth

Magaganda ang mga kandidata ng Miss Earth 2014 at malaki ang tsansa na magkaroon ng puwesto si Jamie Herrell, ang official representative ng ating bansa.

Pero kapag nag-win si Jamie, imposible na walang magsabi na hometown decision ang resulta ke­sehodang deserving siya.

Sina Miss Puerto Rico at Miss Brazil ang mga stand out sa mga Miss Earth candidate. ‘Yun nga lang, hindi masyadong marunong magsalita ng English si Miss Brazil.

Si Aster Amoyo ang isa sa mga nagsabi na may karapatan na manalo si Jamie dahil maganda at matalino ito.

Believable ang obserbasyon ni Mama Aster dahil nakilala niya ang lahat ng official candidates ng Miss Earth 2014 na kumain sa Toki Japanese Restaurant sa Bonifacio Global City.

Si Mama Aster ang manager ng Toki na dinarayo ng mga sikat na personalidad dahil sa authentic Japanese food.

Kung malapit lang ang bahay ko sa Toki, baka madalas din ang pagpunta ko sa Toki.

Regular costumers ng popular Japanese restaurants sa BGC sina Papa Manny Villar at Senator Cynthia Villar, Pops Fer­nandez, mga government official sa pangu­nguna ni P-Noy.

Cholesterol at uric acid nagsitaasan Sen. Bong pinayuhan na ng doctor na magbawas ng timbang

Dinalaw ko si Senator Bong Revilla sa detention cell nila ni Senator Jinggoy Estrada sa Camp Crame noong Biyernes kaya nalaman ko na mataas ang kanyang cholesterol, uric acid, etc.

Pinayagan si Bong ng Sandiganbayan na magpa-check up sa St. Luke’s Medical Center sa BGC noong nakaraang linggo dahil sa mga nararamdaman niya sa katawan.

Under medication si Bong dahil elevated nga ang kanyang cholesterol, uric acid etc. Pinayuhan si Bong ng doktor niya na magbawas ng timbang at maging maingat sa mga kinakain.

Aktres mahilig mang-eklay at sobra ang kaplastikan

Plastikada ang isang aktres na mahilig magbitaw ng pangako pero hindi naman niya tinutupad.

Madalas na ikinukumpara ang aktres sa kanyang kakontemporaryo na graciosa, sincere, at hindi eklayera.

Hindi ko type ang aktres dahil naging biktima na ako noon ng pagiging etchingera niya.

Tinandaan ko ang ginawa sa akin ng aktres kaya hindi ko siya sineseryoso.

Kung nagagawa ng aktres na pabayaan ang sari­ling anak, ang mga tao pa kaya na hindi niya kadugo?

Nakakatakot pagkatiwalaan ang aktres dahil mahilig siya na manlaglag ng kapwa. Hindi ko pa nakakalimutan ang pagtraydor niya sa aktor na nagbigay sa kanya noon ng financial help at kabuhayan showcase.

Jean Garcia hindi na mapipigilan ang pagiging lola!

One month pregnant si Jennica Garcia sa panga­nay nila ni Alwyn Uytingco.

Parang kailan lang nang aminin ng dalawa na secretly married sila at ngayon, nagbunga na ang kanilang pagmamahalan. Hindi na mapipigilan ang pagiging lola ni Jean Garcia sa 2015.

Nikki ni-reveal ang sikreto sa pagiging sexy

Si Nikki Gil ang endorser ng anti-obesity pill ng ATC Healthcare na Reducin na sikreto ng kanyang sexy body.

Bukod sa endorsement niya sa Reducin, ipinaalaala ni Nikki sa entertainment press na may pelikula siya na kasali sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF), ang My Big Bossing.

Excited na si Nikki sa nalalapit na Parade of Stars ng MMFF. Sigurado raw na sasali siya sa parada at gagamitin niya sa pag­rampa ang kanyang mabigat na costume. Reyna ng isang kaharian ang role ni Nikki sa filmfest movie na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.

vuukle comment

DAHIL

MIGUEL

MISS EARTH

NIKKI

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with