^

Pang Movies

Pacman binate nina ’Rambo’ at ’Terminator’

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Malalaking Hollywood stars ang bumati kay Manny Pacquiao bago ang laban niya kay Chris Algieri kahapon sa Macau. Nakuhan ng picture si Pacquiao kasama sina Sylvester “Rambo” Stallone at Arnold “Terminator” Schwarzenegger base sa Tweets ng ANC.

Bukod sa dalawa, present din ang NBA player na si Jeremy Lin at isang Adriana Lim.

Muli na naman ngang tumigil ang pag-ikot ng mundo ng hindi lang Pinoy kundi ng buong bansa sa labanang Pacquaio at Algieri. Umiral nga lang ang pagiging fan ng Pinoy sa shout out nilang huwag daw suntukin sa mukha ni Manny si Chris, huh!

Bago ang laban, ang tinatawag na mini-Manny muna ang sumabak sa boksing bago ang main Manny! Look-alike kasi ni Pacquiao ang banyagang boksingero na nagnakaw rin ng eksena nu’ng presscon ng event.

For a change, all-male choir ang kumanta ng ating national anthem at hindi sikat na celebrity. Wala tuloy maintriga ang rendition nito at tiyak na tiklop ang mga bumabatikos kapag naiba ang arrangement ng ating Lupang Hinirang, huh!

Lovi at Carla iniwan sina Rocco at Tom

Kapwa walang boylet na kasama sina Lovi Poe at Carla Abellana sa magkahiwalay nilang biyahe sa Japan (Lovi) at Australia (Carla). Ang mga ina nila ang kasama nilang pumaibang-bansa.

Pahinga at pag-crave sa sushi at sashimi ang rason ni Lovi sa biyahe. Hindi nga lang niya isinama ang boyfriend na si Rocco Nacino na hindi makatakas sa taping ng Hiram na Alaala unlike nu’ng huling biyahe nila sa Singapore na sila ang magkasama.

Ang panonood ng concert ni Katy Perry naman ang dahilan ng punta ni Carla sa Sydney.

Hayan, puwede nang mag-usap ng puso sa puso ang mga anak at ina tungkol sa lovelife ng anak, huh!

Isabelle utang sa EB ang ‘confidence’

Goodbye Eat Bulaga na si Isabelle Daza after almost four years na junior female host. Huling party na niya pala with the Eat Bulaga Dabarkads ‘yung pagdalo niya sa celebration ng EB boss na si Malou Choa Fagar.

Sa totoo lang, na-develop sa Bulaga ang confidence ni Belle bilang showbiz personality. Nang unang pumasok kasi sa showbiz, reluctant star ang dating niya.

Pero nang mag-blend sa EB Dabarkads, hayun at lumabas ang pagi­ging kikay at naging mabenta sa iba’t ibang programa. For sure, isang dahilan ‘yun upang mapansin si Belle ng Kapamilya Network. Yes, nakalabas na siya sa Star Cinema movie at ito’t pipirma na raw ng kontrata ngayong araw.

 

vuukle comment

ADRIANA LIM

CARLA

CARLA ABELLANA

CHRIS ALGIERI

EAT BULAGA DABARKADS

GOODBYE EAT BULAGA

ISABELLE DAZA

JEREMY LIN

LOVI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with