^

Pang Movies

Halatang alipin ng botox Stallone parang bato na ang mukha

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Napagmasdan ko ang mga mukha nina Sylvester Stallone at Arnold Schwarzenegger nang panoorin nila kahapon ang laban nina Manny Pacquiao at Chris Algieri.

‘Di hamak na mas normal at natural ang mukha ni Papa Arnold compared kay Stallone a.k.a. Rambo na hindi puwedeng mag-deny na alipin siya ng Botox.

Halos hindi na gumagalaw ang parang bato na tumigas na mukha ni Rambo.

Base sa physical appearance ng dalawa, obvious na vanidoso si Rambo na gagawin ang lahat para manatili na makinis at bagets ang kanyang itsura.

Mommy D umepal na naman,

Nasanay nang gumagawa ng eksena sa laban ni Pacman

Dalagang Pilipina ang karakter kahapon ni Dionisia Pacquiao dahil sa terno na suot niya sa laban ng kanyang anak.

Nasanay na talaga si Mommy D na gumagawa ng eksena para mapag-usapan siya.

Kita n’yo naman, hindi siya nagpaawat ka­ha­pon dahil umakyat talaga sa ring si Mommy D para i-congra­tulate si Papa Manny.

Napanood sa buong mundo ang pagwasiwas ni Mommy D sa hawak na Holy Rosary.

Feel na feel ni Mommy D ang atensyon na ibinibigay sa kanya ng media at ng mga tao. Star na star na rin ang tingin niya sa sarili.

Chris Algieri dumami pa ang Pinoy fans nang hindi sukuan si Pacman kahit tumambling na

Hindi nasaktan si Papa Manny sa mga suntok ni Algieri pero humanga siya sa tibay ng American boxer na hindi sumuko hanggang sa huling sandali.

Nadagdagan ang Pinoy fans ni Algieri na kawawang-kawawa ang itsura sa tuwing pinababagsak siya ng Pambansang Kamao.

Ang akala ko nga, susuko na si Algieri pero tinapos pa rin nito ang 12th round.

International celebrities mas bumilib sa Pambansang Kamao

“Tonight, I did my best!” ang pa­hayag ni Papa Manny na tuwang-tuwa dahil nanalo siya at muling nakapagbigay ng karangalan sa ating bayan.

Hindi lamang ang mga Pinoy ang bumati kay Papa Manny dahil nag-tweet din ng pagbati ang mga international cele­brity na tagahanga niya.

vuukle comment

ALGIERI

ARNOLD SCHWARZENEGGER

CHRIS ALGIERI

DALAGANG PILIPINA

MOMMY D

PAMBANSANG KAMAO

PAPA MANNY

PINOY

RAMBO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with