^

Pang Movies

Mga beki at kababaihan nag-aapela Pacman iwasan daw sanang umbagin sa mukha si Algieri

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang iwasan na tamaan ang mukha ni Chris Algieri ang mahigpit na bilin kay Congressman Manny Pacquiao ng girls at mga vaklush.

Magaganap ngayong umaga sa Venetian Hotel ang laban nina Papa Manny at Chris na pinagpapantasyahan ng mga kababaihan at mga bading dahil sa kanyang kaguwapuhan.

Confident ang boxing fans na matatalo ni Papa Manny ang American boxer na humahamon sa kakayahan ng Pambansang Kamao.

Isa lang ang bilin ng fans, ang iwasan ni Papa Manny na umbagin sa mukha si Algieri para mapanatili nito ang pagiging pogi.

Orasyon ni Mommy D kay Algiere hindi gaanong bumenta sa Macau

Gumawa na naman ng eksena si Dionisia Pacquiao sa weigh-in kahapon nina Papa Manny at Chris Algieri.

Bitbit na naman ni Mommy D ang kanyang rosary at umakto uli siya na parang dinadasalan si Algieri.

Take two ang drama ng madir ni Papa Manny dahil ginawa niya rin ‘yun sa laban ng kanyang anak kay Timothy Bradley noong April 2014 sa Las Vegas.

Pinag-usapan ang orasyon ni Mommy D kay Bradley dahil nakunan ng mga TV camera ang kanyang drama.

Inulit ni Mommy D sa weigh in kahapon nina Papa Manny at Chris ang orasyon niya pero hindi na ito masyadong kinagat ng mga tao. Ang feeling nila, scripted na ang ginawa ni Mommy D para magkaroon uli siya ng sangkatutak na publicity.

Dyowa ni Mommy D enjoy na enjoy sa ‘kasikatang’ tinatamasa

Knight in shining armor ang papel ni Michael Yamson sa buhay ni Mommy D. The who si Michael? Siya ang 38-year-old current inspiration ng 65-year-old madir ni Papa Manny.

In short, si Michael ang dyowa at apple of the eye ni Mommy D na nag-dialogue na wala nang magagawa ang kanyang mga anak dahil in love na in love siya sa bagets boyfriend niya.

Hindi shocking kung enjoy na enjoy si Michael sa aten­syon na ibinibigay sa kanya ng media.

Sa buong buhay niya, ngayon lamang naranasan ni Michael na mapanood sa TV ang sarili. Imposible na hindi siya nakaka-feel ng excitement sa tuwing nababasa at nakikita niya sa mga diyaryo ang kanyang pangalan at pictures.

Sana nga, wagas at tunay ang pagmamahal ni Michael kay Mommy D dahil kapag niloko niya ang nanay ng Pambansang Kamao, tiyak na makakatikim siya ng something.

Algieri ni-require na magpapawis pa para makapasok sa tamang timbang

Nakapuntos kahapon si Papa Manny sa weigh-in nila ni Algieri dahil nagkaroon ito ng problema sa timbang.

Binigyan si Algieri ng dalawang oras para magpapawis at mabawasan ang kanyang timbang para hindi ito lumampas sa catch weight limit na 144 lbs.

Kampante naman si Papa Manny na may bigat na 143.8 lbs. kaya pasok na pasok siya sa required weight para sa Welterweight World Title defense.

Venetian Hotel nagmistulang ‘Pinas sa rami ng mga Pinoy fans

Nagkalat sa Venetian Hotel ang mga Pinoy dahil sa laban nina Papa Manny at Chris. Sa entourage pa lang ni Papa Manny, puno na ang sosyal na hotel sa Macau.

Kasama ng Pambansang Kamao ang buong basketball team ng Kia at ang constituents nila ni Jinkee Pacquiao sa Sarangani pro­vince.

vuukle comment

ALGIERI

CHRIS

MANNY

MOMMY

MOMMY D

PAMBANSANG KAMAO

PAPA

PAPA MANNY

VENETIAN HOTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with