^

Pang Movies

Martin at Pops wala nang nararamdamang libog sa isa’t isa

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpapasalamat na rin sina Pops Fernandez at Martin Nievera dahil nu’ng time na naghiwalay sila, hindi pa uso ang social media. Dahil kung ngayon nangyari ‘yon, siguradong pinutakti na sila ng sari-saring reaksyon lalo na sa parte ni Martin na talagang halos nawalan ng career.

“Hindi rin naman. May mga nag-blame rin naman sa akin! Ha! Ha! Ha! Kasi siguro, hindi naman ako makuwento. Hindi naman nila alam. Yeah, thank God! God is good! Hindi yata namin pareho kakayanin!

“Kasi ‘yung little…Well, it’s not little. Whatever was written about, parang hindi ko na nga nakayanan eh. Parang hindi ako sanay. Hanggang ngayon naman, hindi ako sanay eh!” pahayag ni Pops habang wala pa si Martin sa pocket interview nila para sa show/dance party na The Penthouse…Live Reunion sa Jet 7 Bistro. Gaganapin ang concert sa December 12, sa PICC Plenary Hall.

“So, pasalamat kami. Wala pang computer! Ha! Ha! Ha! Wala pang texting nu’ng araw. It’s good and also not good for us. Technology can be good and not good for us!” rason niya.

“Hayan na si Nievera!”sabi ni Pops.

“I was here before all of you!” sambit ni Martin.

Biro ni Manay Lolit kay Martin, nagpaganda raw si Pops sa kanya kasi feeling niya, mabubuhay uli ang pagmamahal sa da­ting asawa.

“Hindi. It’s not looks! She’s about youth! I was her first youngest guy and they just got younger and younger!” biro ni Martin.

“Ay may ganyanan? Ha! Ha! Ha!” buwelta naman ni Pops.

“Okey, go!” hamon ng host-singer sa press.

Nilinaw ni Martin na loveteam niya si Pops nu’ng panahon ng Penthouse Live. Pumalit lang siya sa nawalang host at nakita ng dating TV host na si Elvira Manahan at director nilang si Fritz Ynfante na maganda ang kanilang kombinasyon.

“Let’s try different girls! Nag-Jackielou ako. When Pops became one of the girls there, that was it! That was the team. The combination that they were looking for!

“During that time, siyempre sumikat ang show. Nabuhay ang loveteam namin ni Pops. At that point, yes, I was seeing Jackielou. That was the truth!” kuwento niya.

Naging mabenta nga sa mga concerts dito at sa abroad ang loveteam nila kaya nag-suffer ang kani-kanilang lovelife.

Ang friendship nila ang malaking dahilan upang maging matatag ang love­team nila dahil sa friendship na sinimulan.

Pero may time ba nagkapikunan sila?

“After the marriage na lang!” sagot ni Pops na ikinaha­lakhak ni Martin.

“You what? Our chemistry was not forced, was not staged, it was natural! These people do not agree on anything but was great on television!” rason ng host-singer.

Sa ngayon, may umaasa mang nilalang o natitira nilang fans na magkabalikan silang dalawa.  Pero walang diretsong tugon ang dalawa at tanungin lang daw ‘yon after ilang taon.

“We don’t know! Now that you’re asking it, no spark na today,” sey ni Martin.

Walang one time sex?

“Wala pa rin! Wala pa rin!” sagot niya.

Tinatamad na siya?

“Walang tamad. Bakit naman? Ang ganda-ganda ni Pops! We have just grown up. We have matured at this point in our life. There is always lust!’ diin ni Martin.

“Eversince naman yata, walang lust eh!” sabad ni Pops.

“Now you know the problem! Ha! Ha! Ha! Now you know!” diin ni Martin.

Anyway, ginanap ang  lunch para kina Pops at Martin sa Jet 7 Bistro na isa sa sponsors ng show at pati na ang Sta. Elena Development Corporation, PLDT Home DSL, Yakult, PLDT Home Telpad, at iba pa.

vuukle comment

ELENA DEVELOPMENT CORPORATION

ELVIRA MANAHAN

FRITZ YNFANTE

MARTIN

NAMAN

POPS

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with