^

Pang Movies

Ara Mina payag na sukob sa taon ang kasal nila ni Cristine!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Wow, Salve A., nadaragdagan yata among female celebrities ang nai-in love sa mga foreigners.

Unahin na natin si Cristine Reyes, who might put one over her equally pregnant sister, Ara Mina, sa pagpapakasal sa kanyang Persian boyfriend. Bagama’t, in an interview, nabanggit na ni Ara na napag-usapan na nila ni Cristine na mauuna siyang magpapakasal kay Bulacan Mayor Patrick Me­neses, para nga naman huwag silang magsukob sa taon.

Pero dagdag ni Ara, hindi siya keen sa paniniwalang masamang magsukob sa pagpapakasal ang magkapatid sa iisang taon. Wala daw siyang makitang masama ring dahilan para hindi ito sundin.

In love currently din si Ruffa sa isang British national. Si Solenn Heussaff naman ay ‘di inililihim na live-in siya at ang kanyang Argentinian boyfriend.

Isabelle Diaz ay isang foreigner din ang nobyo.

Bagama’t half-Filipino at half-British daw ang kasalukuyang boyfriend ni Iza Calzado, still foreigner pa rin ito, ‘di ba, Salve A.?

Rayver may panggulat sa Two Wives

Rayver Cruz is in the cast of the ongoing high rating series on ABS-CBN, Two Wives, starring Jason Abalos, Kaye Abad, at Erich Gonza­les.

But except for one small scene na kanyang nilabasan, di na siya muling napanood ng mga sumusubaybay sa teleserye.

So, just what exactly is his role sa Two Wives? Rayver was once asked in an interview.

Well, he is not at liberty daw to reveal. Pero malaki raw ang impact na gagawin ng kanyang character na gagampanan sa mga pangunahing  tauhan ng series. Kaya, watch na lang daw tayo.

Sayang at sa pagiging masyadong gentleman ni Rayver, ayaw niyang mag-comment sa ongoing balita na buntis si Cristine Reyes, who was once the love of his life.

Of course, lalong ayaw niyang magsalita ng anything at all about Sarah Geronimo’s current love life. ‘Di rin lihim na muntik na silang magkaroon ng relasyon.

Currently, hindi nali-link sa kahit sinong celebrity si Rayver.

Lea feel na feel na ang pagnininang kay Sarah

Aside from being fellow coaches of the popular The Voice of The Philippines (Season 2), what has kept Lea Salonga at Sarah Geronimo closer as can be is that, magiging possible ninang nina Sarah at Matteo Guidicelli si Lea, if and when the two get married na.

We heard na no less than Lea herself vo­lunteered na maging ninang siya sa kasal ni Sarah, kapag ikakasal na ito.

Happily married to Robert Chien, magiging magandang ehemplo bilang asawa si Lea kay Sarah. Although she has not stopped working, even going to abroad for perfor­mances, Lea is both an ideal wife and Mom (eight year-old, Nicole).

As the youngest among the four coaches ng The Voice…, Lea said, she, Bamboo, and Apl de App, refer to Sarah as their bunso.

DZMM nanalo sa ABu

Let’s give the people behind DZMM Radyo Patrol Sais Treinta (DZMM) 630 KHZ at DZMM Te­leradyo) a congratulatory note individually for winning the prestigious Asia-Pacific Broadcasting Union (ABU) Prizes 2014 na ginanap recently sa Macau, China.

The himpilan ay nagwagi sa kategoryang News Reporting sa ABU Prizes sa kanilang coverage of the typhoon Yolanda (international name: Haiyan), mula November 8 to 16 noong nakalipas na taon.

Tinalo nila ang mga katunggaling radio stations sa New Zealand (Radyo New Zealand), China ­(RTPRC-China National Radio), at Iran (Islamic Republic of Iran Broadcasting).

One week ding inihinto ng DZMM ang kanilang regular programming, para matutukan at maipahatid sa kanilang tagapagkinig ang lahat ng impormas­yon sa pananalasa ng bagyong Yolanda. And at the same time, makapagbigay ng serbisyong publiko sa mga biktima sa mga lugar na Visayan region na nasalanta.

More power, DZMM.

vuukle comment

ARA MINA

ASIA-PACIFIC BROADCASTING UNION

BAGAMA

CRISTINE REYES

RAYVER

SALVE A

SARAH GERONIMO

TWO WIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with