^

Pang Movies

Halikan nina Iñigo at Sofia inabot ng maraming take

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Mula sa prodyuser ng Kimmy Dora ng Spring Films, isang nakakakilig na istorya para sa mga kabataan ang malapit nang mapanood titled Relaks, It’s Just Pag-ibig. Tatampukan ito ng mga bagong pangalang aabangang sina Julian Estrada, Sofia Andres at Iñigo Pascual.

Suportado ni Piolo Pascual ang anak sa pagsabak sa pag-arte. Handa na rin itong humarap sa lahat pati sa mga intriga.

Naiintindihan naman niya na ang mga intriga ay bahagi ng showbiz. Kaya lang pressured siya kapag ikinukumpara sa ama. Kaya malaking challenge na pagbutihan ang pag-arte.

‘‘May advantage din na anak ako ng isang Piolo Pascual dahil makakakuha ako ng maraming projects. Ang susunod nga ay makakapareha ko si Julia Barretto,’’ sabi ni Iñigo.

Ayaw pa ng baguhang aktor na maging seryoso sa lovelife dahil bata pa siya at marami pang plano sa buhay.

Ano naman ang pagkakaiba nila ng ama?

Ayon kay Iñigo, magkaiba sila sa style sa pagkanta at pagdating sa perso­nalidad tahimik ang kanyang daddy samantalang outgoing naman ito.

Inamin ni Sofia Andres na nagkarun ng maraming take ang halikan nila ni Iñigo sa isang eksena.

‘‘I feel awkward sa eksenang ‘yun. Noong una hesitant ako na gawin ‘yun pero bahagi yun ng trabaho,’’ aniya.

Inamin din ni Sofia na type niya si Iñigo dahil mabait ito at magandang katrabaho. Kasalukuyang nag-aaral sa high school ang magandang teenager at kasama sa newest primetime soap na Forevermore.

vuukle comment

INAMIN

JULIA BARRETTO

JULIAN ESTRADA

JUST PAG

KAYA

PIOLO PASCUAL

SOFIA ANDRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with