^

Pang Movies

TV director pinaliliguan ng mura ang mga katrabaho!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi inakala ng production staff ng isang TV show na ito na sobrang palamura ng kanilang director.

Kung titingnan mo raw ay mukhang tahimik at mapasensya ang kanilang director noong magkaroon sila ng unang meeting para sa show. Pero noong magsimula na raw sila, day one pa lang ay malulutong na mura na raw ang narinig nilang lumalabas sa bibig ng kanilang director.

“Grabe pala ‘yan. Konting aberya lang sa set, nagagalit na sabay mura.

“Siyempre, hindi naman maiwasan na may mga technical problems. Nangyayari naman iyon. Pero mura agad ang naririnig namin mula sa kanya.

“Tuloy ang buong staff and crew, nagkakaroon na ng trauma dahil maya’t maya ay mura ang naririnig mo sa kanya,” kuwento pa ng source namin.

Bukod sa pagiging palamura, pina-pack up ng director na ito ang kanyang sarili. Alam naman ng staff na may cut-off time ito, pero wala pa raw sa napagkasunduang cut-off time ay bigla na lang daw tumatayo ang director at sabay alis na hindi na nagsasabi.

“As in, bigla na lang siyang aalis. Wala kaming choice kundi i-pack up na ang set kasi wala na siya.

“Takot naman pigilan siya ng mga tauhan namin dahil baka magmura na naman ito ng ubod ng lutong.

 “Kaya pinagtitiyagaan na lang namin siya talaga. Ang problema lang, nag-o-overbudget kami dahil sa pagpapack-up niya.

“Kahit na may isang oras pa na puwede niyang matapos ang isang sequence, nabibitin dahil basta na lang ito aalis.

“Ayun imbes na tapos na kami sa location na ‘yon sa araw na ‘yon, kailangan pa naming magbayad ulit dahil hindi tinapos ni Direk ang mga natitirang eksena,” emote pa ng source namin.

Direk Joyce natagalan bago ‘nakasundo’ si Bossing

Confident si Direk Bb. Joyce Bernal na magna-number one ang pelikulang My Big Bossing sa Metro Manila Film Festival.

Si Direk Joyce ang isa sa director ng trilogy-comedy-adventure na ito na pinagbibidahan nila Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.

Inamin ni Direk Bernal na intimidated siya kay Vic Sotto noong idirek niya ito sa episode na Prinsesa. First time kasi na makatrabaho ni Direk Joyce si Vic kaya hindi raw niya alam kung paano ang approach niya rito.

Hindi raw tulad noong maka­trabaho niya sina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Robin Padilla, at Piolo Pascual ay mabilis niyang nahuli ang kiliti ng mga ito.

“Iba kasi si Bossing Vic. Minsan kasi seryoso. Tapos biglang magpapatawa. Ako pa naman, naghahalo ang pagiging starstruck ko sa trabaho ko.

“Siyempre, excited akong makatrabaho si Bossing Vic. Tapos first comedy-adventure movie ko ito na sobrang wholesome. Hindi puwedeng umiral ang pagiging balahura ko rito! May mga bata kasi, eh!” malakas na tawa pa ni Direk Joyce.

Pero kahit nga na-intimidate si Direk Joyce kay Bossing Vic, naging maayos naman daw ang pakikipagtrabaho niya rito.

vuukle comment

AGA MUHLACH

BOSSING VIC

DINGDONG DANTES

DIREK

DIREK JOYCE

PERO

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with