^

Pang Movies

Ruffa at BF na kinamumuhian ni Annabelle magkasama na naman sa Bohol

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May hindi matutuwa sa paglipad kahapon ni Ruffa Gutierrez sa Bohol para magbakasyon.

Kasama ni Ruffa ang kanyang close friends at siyempre, ang mhin na pinakamalapit ngayon sa puso niya, si Jordan Mouyal.

Obvious naman kung sino ang tinutukoy ko na hindi matutuwa sa balita na kasama si Jordan sa Bohol trip ni Ruffa.

Take note, si Ruffa pa ang naglabas ng mga picture nila ni Jordan habang papunta sila sa Bohol. Parang sinasadya ni Ruffa na iparating sa kanyang madir na si Annabelle Rama ang mga nagaganap sa love life niya.

Sumunod  nga pala sa Bohol ang mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice, Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, at si Baby Zion.

Takot na uling matalo Pacman tuloy ang training kahit Holiday

Malapit na ang laban ni Congressman Manny Pacquiao sa American boxer na si Chris Algieri kaya todo ensayo siya kahit All Saints Day.

Ang boxing training ang pinagkaabalahan kahapon ni Papa Manny na dedma muna sa mga holiday.

Hindi uso kay Papa Manny ang mga holiday, lalo na kung ang karangalan niya at ng ating bansa sa mundo ng boxing ang nakataya.

Sinabi ng anak ni Jinggoy inalmahan ng press

Umalma ang mga reporter nang sabihin ni Julian Estrada na suplado ang kanyang tatay na si Senator Jinggoy Estrada.

Tinanong kasi si Julian sa presscon ng Relaks, It’s Just Pag-ibig tungkol sa pagkakaiba ng ugali nila ng kanyang famous father.

Hindi na nag-isip nang matagal si Julian dahil sinabi agad nito na suplado ang fadir niya.

Pumalag ang mga reporter sa pralala ng bagets dahil kilala nila nang personal si Papa Jinggoy.

 Madaling lapitan at isa sa mga generous showbiz personality si Papa Jinggoy kaya hindi kataka-taka ang violent reaction ng mga reporter.

Baka naman nagbibiro lang si Julian na hindi pa sanay na makipagtsikahan sa mga reporter. Bata pa si Julian at  wish ko lang, manahin niya ang malakas na sense of humor ni Papa Jinggoy na lovable ang pagiging maldito.

Bambbi hindi kayang iwan si Marian

Ikinasal noong Martes sa Grand Canyon ang aking bestfriend na si Pinky Tobiano sa kanyang fiance na si Juancho Robles.

Nagsama si Mama Pinky ng make up artist sa Amerika dahil kailangan na maging very pretty siya sa araw ng kanyang kasal.

Si Bambbi Fuentes ang first choice ni Mama Pinky na isama sa US pero hindi puwede si Bambbi dahil ito ang personal make-up artist ni Marian Rivera na hindi nawawalan ng mga appointment.

Si Bambbi ang official make-up artist ni Marian sa kasal nito kay Dingdong Dantes sa December 30.

Ayaw ni Marian na kumuha ng ibang make up artist dahil sanay na sanay na siya kay Bambbi.

Nang mag-umpisa si Marian sa showbiz, si Bambbi agad ang make-up artist niya kaya hindi na ibang tao ang trato nila sa isa’t isa. Kung tama ang bilang ko, nine years old na ang friendship nina Bambbi at Marian.

(Congrats Pinky and Papa Juancho. – SVA)

Nagpunta na ako sa puntod ng mga kapatid at magulang ko noong Huwebes dahil ayokong-ayoko na nakikipagsiksikan sa memorial park tuwing All Saints Day.

Expected na ang maraming tao  at ang overacting na trapik sa mga kalsada papunta sa mga sementeryo na puwedeng maiwasan at hindi maranasan kung dadalaw tayo nang maaga sa libingan ng ating mga pumanaw na mahal sa buhay.

                              

vuukle comment

ALL SAINTS DAY

BAMBBI

BOHOL

MAMA PINKY

PAPA JINGGOY

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with