^

Pang Movies

Tatlong power couples ng I Do, haharap sa lie detector test!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Haharap sa kanilang huling pagsubok ang tatlong Power Couples ng Kapamilya realiserye na I Do ngunit hindi ito magiging madali dahil isa itong kahindik-hindik na lie detector test.

Sa huling episode ng I DO sa loob ng village ngayong Sabado (Nov. 1), sasabak sa Love or Lie sina Chad at Sheela, Chris at Karen, at Jimmy at Kring para subukin ang kanilang pagmamahalan at katapatan sa isa’t isa nila. Dito, kailangan nilang umupo sa isang upuang nakakabit sa isang lie detector machine habang sinasagot ang ilang mabibigat na katanungan mula sa mismong kasintahan nila at sa council members na sina Judy Ann Santos-Agoncillo, coach Pia, at Dr. Julian.

Ngunit ang ilan sa kanila ay magdadalawang isip na sumalang. May tinatago ba sila o sadyang confident lang na wala na silang dapat patunayan? Pero dahil sa mga tanong, madidiskubre na may ilan sa kanilang may tinatago pa sa kanilang partners, at may ilang ding lalabas na umano’y nagsisinungaling.

Huwag palampasin ang huling ceremony ng I Do sa Nobyembre 8 at ang inaabangang grand wedding ng magwawaging couple sa Nobyembre 15. Aling couple kaya ang makukuha ang kanilang pangarap?

 Tutukan ang journey to happy ever after pagkatapos ng MMK ngayong Sabado (Nov. 1) sa ABS-CBN.

 

vuukle comment

CHRIS

DITO

DR. JULIAN

HAHARAP

HUWAG

I DO

JUDY ANN SANTOS-AGONCILLO

NOBYEMBRE

POWER COUPLES

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with