^

Pang Movies

Panunutok ng baril kay Ruffa ‘di pa rin limot ni Annabelle

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sumuko na rin si Annabelle Rama sa kanyang pakikialam sa love life ng kanyang anak na si Ruffa Gutierrez. Inamin niya iyan mismo sa kanyang social networking account. Nagsalita siya sa kanyang birthday na naging dahilan kung bakit nag-walk out si Ruffa at nagsimula rin ang kanilang palitan ng tweets.

Ngayon lang din lumabas ang isa pang katotohanan na matagal nang nalihim sa publiko, bagama’t noon pa man ay may mga ispekulasyon na kung bakit nahiwalay si Ruffa sa kanyang unang asawa, at tumanggi na siyang makipagkasundo roon matapos na makabalik sa Pilipinas. “Battered wife” si Ruffa. Iyon ang sinasabi ni Annabelle na ayaw na niyang maulit kaya pinakikialaman niya ang love life ng kanyang anak.

Ngayon nasabi na niyang nagkaroon nga pala ng bugbugan, tutukan ng baril at pagkukulong pa sa loob ng cabinet. Kaya pala ganoon ang tindi ng galit ni Annabelle sa dati ay mahal na mahal niyang manugang na si Yilmaz Bektas. Noon pa naman ay may mga ganyan nang ispekulasyon pero wala ngang makatiyak kung ano talaga ang dahilan. Basta sinasabi nila “abused wife” si Ruffa.

Minsan dumarating talaga sa mga magulang iyong ganoon, na dahil sa concern nila sa kanilang anak, at dahil ayaw na nilang maulit pa ang isang pagkakamali, nagiging over protective sila. Nangyayari rin naman sa mga anak na kagaya ni Ruffa ang mairita dahil sa paghihigpit.

Nag-tweet nga ulit si Ruffa na natuto na siya sa mga nakaraan niyang karanasan, at alam niyang mas maingat naman siya ngayon. Sana naman pabayaan na siyang mabuhay nang hindi pinakikialaman. After all sa edad nga ni Ruffa sa ngayon, hindi na masasabing bata siya.

Kung kami ang tatanungin, pareho naman silang may katuwiran. Nakalulungkot nga lang at iyang ganyan kasimpleng misunderstandings ay lumabas pa sa publiko, samantalang iyon ay nagsimula sa isang pribadong gathering naman.    Siguro nagsalita lang nang ganoon si Annabelle dahil sa tingin niya puro mga kaibigan lang naman nila ang naroroon, at hindi naman niya gustong makasakit ng damdamin ng kahit na sino. Si Ruffa naman, kahit sana na sa nanay niya, siguro napuno rin.

Gusto lang ni Ruffa huwag na siyang pakialaman sa kanyang mga desisyon. Pero ngayong pareho na silang kalmado, tapos na rin ang problema nilang mag-ina.

Mga yumao nang showbiz personalities dinadalaw pa rin ng fans

Hindi namin maiiwasang hindi maalala ang ilang mga showbiz personalities na wala na ngayon, pero naging mga kaibigan namin at hanggang ngayon pinag-uusapan pa rin naman.

Nitong mga nakaraang araw, mapapansin ang maraming taong dumadalaw sa libingan ng hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr., at nauungkat na naman ang pandaraya sa eleksiyon na kung saan dapat sana ay nanalo siya bilang ika -15 pangulo ng Pilipinas.

Hindi rin namin maiiwasang maalala ang isa sa naging pinakamalapit na kaibigan namin, ang aktres at producer ding si Mina Aragon. Ganoon din naman ang kanyang kapatid na batikang actor at director ding si Leroy Salvador. Naging mga personal kasi namin silang kaibigan noong nabubuhay pa.

Hanggang ngayon, hindi pa rin matapus-tapos ang usapan tungkol sa pagkamatay ng isa sa pinakasikat na matinee idols noong kanyang panahon, si Alfie Anido, na naging kaibigan din namin at hanggang ngayon ay patuloy na dinadalaw ng kanyang mga fans sa kanyang puntod, kahit sila man ay may mga edad na rin.

Ipanalangin natin silang lahat sa panahong ito ng todo los santos.

vuukle comment

ALFIE ANIDO

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

FERNANDO POE JR.

KANYANG

NAMAN

NGAYON

RIN

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with