^

Pang Movies

Nikki Gil gustong itago ang bagong BF

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hangga’t maari ay ayaw nang pag-usapan ni Nikki Gil ang kanyang love life ngayon. Nais niyang gawing private na lang ang kanyang relasyon sa kanyang non-showbiz boyfriend na nagngangalang BJ Albert.

Hindi naman daw kasi ito taga-showbiz at kasamahan daw niya ito sa kanilang church, kaya nakakahiya raw na magkuwento siya dahil napakapribadong tao raw nito.

“Like what I said before, masyado akong naging open before sa naging relasyon ko. When it ended, masyado rin akong nasaktan. But I have moved on.

“Ngayon, gusto kong maging private na lang itong relationship ko. Ayoko na rin ‘yung malagay ako sa spotlight when it comes to it.

“As much as possible, ayoko siyang maging public. Sana maintindihan naman ako ng marami sa hiling ko,” pakiusap pa ni Nikki.

Kinatutuwa nga ni Nikki na naka-partner niya si Vic Sotto sa kauna-unahang Metro Manila Film Festival movie niya na My Big Bossing.

Gumaganap na reyna si Nikki sa episode na Prinsesa kung saan kasama sina Ryzza Mae Dizon, Alonzo Muhlach, Zoren Legaspi, Maricar de Mesa, Ruby Rodriguez, Sef Cadayona, Rafa Siguion-Reyna, at Niño Muhlach.

“Tawa lang kami nang tawa sa mga eksena. Pero kapag serious na ‘yung scene namin, ramdam mo na may pagka-dramatic actor din si Bossing,” sabi ni Nikki Gil sa kanyang leading man sa pelikula.

Derek ayaw makiagaw ng eksena sa mga contestant ng Amazing

No-show ang host na si Derek Ramsay sa ginawang pag-present sa eight remaining teams para sa The Amazing Race Philippines Season 2 ng TV5.

Okey din naman na wala si Derek dahil baka sa kanya mapunta ang atensyon ng media lalo na’t lumabas kamakailan ang balitang nagkaayos na sila ng kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly.

 Anyway, ang walong teams ngang natira ay ang Team Dating Couple (Matthew Edwards and Phoebe Walker); Team Magkapatid (Jet and Yna Cruz); Team Nerds (Vincent Yu and Ed Manguan); Team Chefs (Eji Estillore and Roch Hernandez); Team Blondies (Tina and Avy Wells); Team Mag-ama (AJ and Jody Saliba); Team Sexy Besties (RR Enriquez and Jeck Maierhofer); and Team Mr. Pogi (Kelvin Engles and Paul Duray).

Kung sino man ang mananalo sa mga teams na ito, bongga ang premyo na kanilang mapapanalunan.

 Bukod sa 2 million pesos from PLDT Home Telpad, maiuuwi rin ng winning team and 2 house and lot package from RCD Royal Homes and 2 Kia Sportage.

May kanya-kanya nang strategies ang mga teams kung paano nila maiisahan ang bawat team na kanilang kalaban. Meron din mga nabubuong alliances pero sino nga ba ang puwede mong mapagkatiwalaan kung ang nakataya ay milyones na premyo?

Glee star na tomboyita hiwalay na sa asawa

Single na ulit ang Glee star at host ng Hollywood Game Night na si Jane Lynch.

Pagkatapos niyang magpakasal sa kanyang girlfriend na si Lara Embry, na isang clinical psychologist, in 2010, nauwi rin sa divorce ang kanilang pagsasama.

Ayon pa sa The Insider, makakatanggap ang ex-wife ni Jane ng lump sum of $1.2 million as well as half of Lynch’s royalties mula sa mga high-profile projects tulad ng kinita nito sa Glee.

Maghahati rin sila sa kanilang various bank accounts ($847,485), a 401K ($315,079), a tax refund ($56,810) at pati na ang kanilang airline miles at L.A. Yacht Club.

Sa isang interview ni Jane sa Access Hollywood, sinabi nito na hindi na niya kino-contest ang pagbigay ng malaking cash out kay Lara na kinita niya sa kanyang role bilang Sue Sylvester sa series na Glee. ‘Yun daw kasi ang batas.

Nagkakilala ang ex-couple noong 2009 sa isang lesbian rights fundraiser. Pagkatapos ng anim na buwan na pagde-date, nag-propose si Lara kay Jane at kinasal sila sa Massachusetts in June 2010.

May dalawang anak at isang aso sina Jane and Lara.

Naka-cite sa papers ng dalawa bilang cause ng kanilang divorce ay “irreconcilable differences”.

Pero kahit na hiwalay na sila, nananatiling magkaibigan pa rin sila. Kelan lang ay nakunan ang ex-couple sa isang coffee shop sa Los Angeles.

vuukle comment

ACCESS HOLLYWOOD

ALONZO MUHLACH

AMAZING RACE PHILIPPINES SEASON

BUT I

DEREK

DEREK RAMSAY

NIKKI

NIKKI GIL

TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with