^

Pang Movies

Elmo mas nagswak kay Janine kesa kay Julie Anne San Jose

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Iba ang dating nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez nang humarap sila sa media para sa launching ng kanilang bagong teleserye, ang More Than Words. Siguro nga, iyon ay dahil finally inamin na nila pareho na sila nga ay may relasyon na. Noon kasi sinasabi nina Elmo at Janine na madalas silang magkita at magkasama, at inaamin din naman ni Elmo na masaya siyang kasama si Janine, pero idinidiin niyang wala pa silang relasyon.

Siguro nga, sabi nila, mas magki-click ang love team nina Elmo at Janine, kaysa sa nauna niyang ka-love team. “Kasi naman noon alam ng lahat na iba ang girlfriend ni Elmo,” sabi nga ng isa sa mga close sa kanila. Noon kasing panahong itinatambal siya sa iba, alam ng lahat na ang nililigawan ni Elmo at naging girlfriend niya ay si Lauren Young.

Sino nga ba naman ang maniniwala at hahanga sa isang love team na alam mo namang hindi talaga magiging mag-syota? At least ngayon, kina Elmo at Janine, mas maniniwala ang mga tao kasi nga alam naman nilang totoo.

Nagsimula lang naman daw ang lahat noong una silang magkasama sa Experiment lang naman iyon ng network kung kakagatin ng fans ang bagong love team, kasi nga hindi na kinagat ang unang love team ni Elmo. Naging maganda ang pagtanggap ng fans, at sinasabi nga maging ng mga observers na mas may kilig ang kanilang tambalan. In the end,  napansin din nila na hindi lamang ang fans, maging sina Elmo at Janine ay kumagat na rin sa isa’t isa. Kaya nga bago pa natapos ang seryeng iyon, may usapan nang mag-syota talaga ang dalawa.

Kuya Germs bibigyan ng ‘star’ ang apo

Sabi ni Kuya Germs, siguro raw wala namang magtatanong kung bakit isasama niya sa Walk of Fame ang “star” ng kanyang apong si Gabriel “Gabby” Moreno, na siyang kauna-unahang Pinoy na nanalo ng isang gold sa Olympics. Sinuman ang mag-question diyan, puwedeng batukan.

In the first place, hindi naman si Gabby ang kauna-unahang sports personality na inilagay diyan sa Walk of Fame, nauna na si Manny Pacquiao. Maliwanag din naman na ang Walk of Fame ay hindi limitado sa mga artista kung ‘di sinumang sumikat at nagbigay ng karangalan sa ating bansa.

Iyong pagkakapili kay Gabby, sa tingin namin ay tama iyan. Hindi na kaila­ngang pag-aralan. Hindi kailangang sabihing si Kuya Germs ang namamahala ng Walk of Fame. Kahit na sino ang nagpapatakbo niyan, tiyak na pararangalan din si Gabby. Hindi lahat ng Pilipino makagagawa sa kanyang inabot, at kung tutuusin mas matindi naman iyon kaysa sa karangalang inabot ng maraming artista na nakalagay na roon.

In fact, palagay nga namin, underrated pa si Gabby, dahil hindi nga siguro isang popular sports sa ating bansa ang archery. Pero matindi ang kanyang nai-rehistrong panalo.

vuukle comment

ELMO

ELMO MAGALONA

JANINE

JANINE GUTIERREZ

KUYA GERMS

NAMAN

WALK OF FAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with