^

Pang Movies

Janine pinaiyak ni Elmo sa Disneyland

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mixed emotions si Janine Gutierrez na napaiyak nang nasa Hong Kong Disneyland (HKD) sila ng boyfriend na si Elmo Magalona kasama ang kanilang mga friend. First time kasi iyon ni Janine na mag-travel abroad at makarating sa HKD, courtesy of Elmo. Kuwento ni Elmo, maghapon sila sa HKD dahil hinintay nila ang fireworks noong gabi at nang nanonood na sila ng fireworks nakita niyang napaiyak sa tuwa si Janine. Masaya siya na nakita niyang masaya si Janine. Treat niya iyon sa girlfriend na six months nang officially silang magkasintahan. Kaya masaya sila na after Villa Quintana na natapos lamang noong June, 2014, binigyan na sila agad ng kasunod na project. Reward nila siguro iyon dahil longest running-afternoon prime ang Villa Quintana. Ano’ng feeling na kasama sa work ang mahal niya?

“Mas masaya pong mag-work na magkasama kami ngayon, although nagsimula na kaming maging comfortable sa Villa Quintana,” sagot ni Elmo.

“Bonus na sa amin iyong hindi na namin kailangang mag-set ng date kung kailan kami magkikita dahil halos araw-araw ay magkasama na kami sa taping. I’m very proud of Janine sa character na ginagampanan niya ngayon dahil ibang-iba ito sa totoong siya, kaya sana magustuhan din ito ng mga manonood dahil isa itong light romantic-comedy at napakagaan ng feeling naming magtrabaho kahit kasama namin ay mahuhusay at very supportive na mga artista, like Tita Jaclyn Jose na ngayon lamang namin nakatrabaho, si Tito Gardo Versoza at ang pagbabalik-tambalan nina Tito Rey Abellana at Tita Leni Santos, directed by Andoy Ranay. Wala pa kaming exact date ng airing pero this November na po ito.”

Kaya tumanggi makasama si Anne sa pelikua, Dennis hindi maiwanan si Kris?!

Tumanggi pala muna sa isang movie offer si Dennis Trillo na dapat ay makakasama niya si Anne Curtis (na isa sa mga artistang gusto niyang makatambal). Sana raw ay next year na lamang pero hindi na yata siya pwedeng hintayin, dahil magsisimula na itong i-shoot, kasama si Andi Eigenmann.

Concentrated kasi ngayon si Dennis sa kanyang drama series na Hiram na Alaala dahil medyo mahirap ang role niya playing Ivan at Otep. Inamin ni Dennis na sa tulong ni Direk Dominic Zapata, hindi siya nakabibitiw sa dalawang characters.

Pero totoo kayang isa ring reason kaya concentrated si Dennis sa kanilang soap, dahil may maganda nang namumuo sa pagitan nila ng katambal na si Kris Bernal? Almost every scene ay magkasama silang dalawa at sa kani-kanilang Instagram (IG) account may mga post silang para sa isa’t isa. Well, no problem naman dahil parehong single sina Dennis at Kris. Napapanood gabi-gabi ang HNA pagkatapos ng Strawberry Lane.

Top executive pinag-aaralang magbawas ng talent fee sa kanilang mga artista

Totoo kayang personal na tsini-check ng top executive ng isang network ang talent fees (TF) ng kanilang mga contract stars? Ginagawa raw niya ito para magbawas ng talent fee iyong masyadong malalaki ang ibinabayad nila, kung hindi wala munang work?

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

ANDOY RANAY

ANNE CURTIS

DAHIL

DENNIS TRILLO

ELMO

JANINE

VILLA QUINTANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with