^

Pang Movies

Ruffa ipinagtanggol ang BF na patay-gutom naman daw!

- Vinia Vivar - Pang-masa

May bagong palitan ng tweets ang mag-inang Ruffa Gutierrez and Anabelle Rama kahapon.

Nauna si Tita Anabelle na mag-tweet na as usual, de-numero.

Heto ang mga tweets ni Tita Anabelle:

“Good morning to all. Having coffee while reading all newspapers. Thank You sooo much sa lahat ng nagsusulat ng positive at sa lahat ng naniniwala sa akin regarding sa issue na­ming mag-ina.

“Yung mga hindi naniniwala at sinusulat pa na gimik para sa reality show namin na #ItTakesGutzToBeAGuttierez Well, I can’t do anything kung yan ang paniniwala nyo Siguro new reporter ang nagsulat di nya alam pagkatao ko.

“Di ako marunong gumawa ng gimik para pag-usapan. Di ako uhaw sa publicity Di ako nag-uumpisa ng away, pero di ako basta tumatahinik lang.

“I’m just frank and honest sa mga sinasabi ko na galing sa puso. Ang problema ko lang, masama akong magalit and I can’t control it...

“Regarding the issue last Saturday during my intimate dinner, sa speech ko, hindi ko akalain na may mag-react sa mga sinasabi ko...

“Kung may nasaktan man, siguro guilty. Kasi di ko naman pinaplano ang bawat sasabihin ko Di ko pinag-aaralan Lumalabas na lang sa bibig ko.

“Kaya ako nag-tweet dahil sinagot ko lang ang tweets nya. Pero never akong nag-umpisa ng tweet...

“May nag text lang sa akin kung anong nangyari at bakit may nag walk-out sa dinner ko, but Before I reacted sa bad news, I told my friend to read the tweets for me.

“When I started tweeting, nagulat na lang ako kung bakit lumaki ang issue

“Yung mga nag-comment na kung bakit hanggang ngayon pinakikialaman ko pa rin ang lovelife ng anak ko, heto ang reasons, basahin nyo...

“1st Reason: Ayokong maulit ang nangyari sa kanya sa ex-husband nya. Kasi nakikita ko itong bagong lalaki sa buhay niya na carbon copy sa ex nya sa pagsasalita at sa kilos.

“Mabait lang sa umpisa pero pag nagtagal na nag-iiba na ang ugali. Opinion ko yan sa nakikita at nararamdaman ko.

“Kung na miss niya ang boxing at tutukan ng baril at ikulong sa cabinet, ok bahala ka na at yan ang gusto mong mangyari.

“Surrender na ako. Hindi lang mga kamay ko ang itataas ko, pati mga paa ko itataas ko na rin sa pagsuko ko...

“Uulitin ko sa lahat ng supporters ko na nagmamahal sa akin at naniniwala sa lahat ng mga sinasabi ko. Million thanks to you all.

“Aasahan nyo, hindi ako mahilig gumimik para pag-usapan lang. Hindi ko pinangarap mag-artista uli, matanda na ako para gumawa ng gimmick.

“Lastly, maraming salamat sa mga nakakaintindi at umiintindi sa akin. Ganyan lang ako bilang isang ina!”

Nag-post naman si Ruffa ng pictures ng pamilya nila sa birthday dinner kung saan nga nagsimula ang alitan nilang mag-ina at sa malas, tinatapos na niya ang kanilang tampuhan.

Ang caption ni Ruffa sa picture, “trying not to care at all is difficult when you care so much. Happy birthday Mom!”

Sinundan pa niya ito ng tweet na “thank you for protecting me and watching out for me but it doesn’t mean that just because someone looks like my ex, he’s abusive na.”

At ng isa pang tweet na “Allow me to live my life! I’ve learned from my past & if life teaches me more lessons, then be there for me. Support me!”

‘Yun na!

vuukle comment

AKO

BEFORE I

KASI

KUNG

LANG

NAG

RUFFA

TITA ANABELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with