^

Pang Movies

James down to earth pa rin kahit sikat na sikat at paboritong cover ng mga magazine

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Star na talaga si James Reid dahil every month, cover boy siya ng mga glossy magazine.

Si James ang cover boy ng October issue ng YES! at Garage magazines.

Next month, siya rin ang cover boy ng isang men’s health magazine at November issue ng YES! Hindi talaga nagkamali ng desisyon si James na magpaalaga kay Boss Vic del Rosario.

Kahit sikat na sikat na siya, hindi pa rin nagbabago ang ugali ni James dahil sumusumpa ang kanyang friends na down-to-earth pa rin ang bagets na tinitilian ng girls and gays.

Misis ni Bayani, gumastos ng mahigit trenta mil para sa concert ni Mariah

Avid fan pala ni Mariah Carey ang misis ni Bayani Agbayani na si Lenlen.

Hindi pinalampas ng magdyowa ang concert ni Mariah sa Mall of Asia Arena noong Martes dahil isa sila sa mga pinakamaaga na dumating sa venue.

Si Lenlen ang unang-una na bumili ng tickets nang malaman niya na matutuloy ang Manila concert ni Mariah.

Tig-P16,000 lang naman ang presyo ng ticket na binili ni Lenlen na gumastos ng P32,000 dahil kasama niya si Bayani.

Hindi nasayang ang pagod at datung ni Lenlen dahil napanood niya nang personal at malapitan ang hinahangaan na singer. Knowing her, kasama siya sa Pinoy fans ni Mariah na tumili nang tumili kaya dumagundong ang Mall of Asia Arena.

Ruffa hindi natiis ang ina

Mabuting anak si Ruffa Gutierrez kesehodang regular ang iringan nila ng kanyang madir na si Annabelle Rama.

May tampuhan man sila, hindi nakatiis si Ruffa na i-greet ng happy birthday si Bisaya.

Reconciliatory ang tono ng mga mensahe ni Ruffa para sa kanyang ina kaya sooner or later, magkakasundo na uli sila.

Nag-post kahapon si Bisaya sa Twitter ng mahabang litanya at emote na bahagi yata ng kanyang birthday blues. Siyempre, para kay Ruffa ang mga mensahe niya.

Hindi nagtagal, sinagot ng panganay ni Eddie Gutierrez ang mga emote ng kanyang karakter na mommy. Nagpasalamat ito sa pagprotekta sa kanya sa mga lalaki pero nag-request si Ruffa na kaya na niyang magdesisyon para sa sarili niya. Marami na raw itong natutunan sa past relationships niya at mga payo ng kanyang ina.

Reading between the lines, so in love si Ruffa kay Jordan Mouyal at ready na siya na ipaglaban ang kanilang relasyon.

Ito na yata ang katuparan ng kanyang madalas sabihin noon na ready na siya na ma-in love at makipagrelasyon na tinututulan ni Annabelle.

Ryzza Mae at Alonzo maghihiwalay na ulit

Kahapon ang last shooting day sa Paco Park ng Prinsesa episode ng My Big Bossing, ang official entry ni Vic Sotto sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Co-stars ni Bossing sa Prinsesa si Ryzza Mae Dizon at Alonzo Muhlach, ang anak ni Niño Muhlach na sumabak na rin sa pag-aartista.

vuukle comment

ALONZO MUHLACH

ANNABELLE RAMA

BAYANI

BAYANI AGBAYANI

BISAYA

BOSS VIC

LENLEN

MALL OF ASIA ARENA

MARIAH

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with