^

Pang Movies

Jolina hinihintay kung magkaka-career sa paglipat

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Twelve years pala nawala si Jolina Magda­ngal sa ABS-CBN. Kung iisipin, hindi lamang siya doon nagsimula, doon siya nabigyan ng lahat ng malalaking breaks talaga. Hindi lang siya nagkaroon ng isang serye sa telebisyon bilang bida, iginawa pa siya ng pelikula na bida rin siya. Sabihin nating ang nangyari lang noon, masyadong marami kasi silang magkakasabay kaya naging limitado ang roles na kanyang nakuha, pero magagandang roles naman iyon.

Noong matapos na ang kanyang kontrata sa kanyang network, naisip naman niyang subukan ang ibang mga networks. Natural may mga taong gusto namang magkaroon ng comparison. Kasi kung doon ka lang nang doon, baka naman nauubusan na sila ng idea para sa iyo. Kung may maganda namang ideas ang iba, at mas makakakuha ka nga ng mas malalaking break, bakit ba hindi.

Ganoon lang naman ang nangyari noon kaya nagdesisyon siya at ang kanyang Daddy Jun na siyang manager pa niya noon na lumipat muna ng network. Ngayon naman na natapos na ang lahat ng kanyang commitment sa kanyang nilipatang network, at may magandang offer naman sa Channel 2, nagbalik siya after twelve years.

Sinasabi nilang matinding challenge iyang gagawing proyekto ni Jolina. Una, malakas ang show na kanilang papalitan at natural inaasahang malalampasan nila iyon dahil mas malaki naman ang casting nila kung iisipin kaysa sa cast ng kanilang papalitan. Ikalawa, malakas na show din naman ang kanilang katapat sa kanilang kalabang network.

Siguro nga masasabing naka-depende naman iyan sa gagawin niyang project talaga, pero sukatan pa rin iyan ng kanyang popularidad. Palagay naman namin kaya pang magdala ng serye ni Jolina.

Aljur nagmamatigas pa rin sa GMA

Hindi raw naman iniuurong ni Aljur Abrenica ang kanyang demanda laban sa GMA-7, pero ni­linaw nila na handa naman silang makipag-ayos kung sakali. Pero maaasahan mo nga bang makipag-ayos sa kanya ang kanyang network?

Hindi kumikibo ang kanyang network sa kanyang isinampang demanda, at sinabi lang nila na haharapin nila iyon. Sa kanyang demanda, wala namang sinasabing nilabag ang GMA Network sa kanilang kasunduan. Ang sinasabi lang niya hindi niya gusto ang mga proyektong ipinagagawa sa kanya.

Hindi naman siguro pagtatalunan kung nakabuti o hindi sa kanya ang mga proyektong ipinagawa ng network, dahil kung hindi naman siguro hanggang ngayon ay nameless pa rin siya.

Siguro nga ang gagawin ng network diyan ay labanan ang kanyang demands, at hayaang tumakbo ang mga araw hanggang sa wala na siyang makuhang projects. Kung noon ay marami siyang trabaho, ngayon mga personal appearance na lang ang nagagawa niya, at sabi nga pinapatulan na niya kahit na maliliit na shows lang.

Palagay namin, hindi ang GMA ang kailangang magsimula ng pag-uusap. Si Aljur ang nawawalan habang tumatagal ang kasong iyan. Habang may kaso kasi, hindi siya makikita sa TV o sa pelikula. Walang producer o network na maglalakas loob na kunin siya dahil masasabit lang sila sa demanda, wala namang kasiguruhan na kaya niyang magdala ng ratings.

Kahit na anong tingin ang gawin mo, nasa disadvantage ni Aljur ang kasong iyan.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

KANYANG

KUNG

LANG

NAMAN

NETWORK

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with