^

Pang Movies

Nakita ang kabaitan sa magulang, young actor na sugarol ang ina pinatira sa condo ng bete­ranong aktor

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Naghahanap nga raw ng malilipatan ang young actor na ito dahil natapos na raw ang kontrata niya sa tinitirhan na apartment.

Kasama ng young actor ang kanyang pamilya kaya kailangan niya ng malaki-laking apartment na malilipatan.

Tinulungan si young actor ng isang veteran actor na nakatrabaho nito sa isang teleserye. Pinaupahan na lang ni veteran actor ang isang condo unit niya na walang gumagamit na kasya silang magpapapamilya.

Hindi na lang daw sisingilin ng mahal ni veteran actor ang young actor dahil alam niyang hindi ito malaking kumita ngayon. Ang importante ay may matuluyan ang pamilya niya.

Nalungkot nga ang veteran actor sa naging kapalaran ng young actor dahil nawala na rito ang bahay na ipinundar niya noong naging in-demand siyang child actor.

Dahil kasi sa hindi magandang bisyo ng ina nito na magsugal at umutang, naging kabayaran ng mga iyon ay ang bahay na pinag-ipunang bilhin ni young actor.

Pero napatunayan nga ni veteran actor na mabait ang young actor dahil never daw nitong sinisi ang kanyang ina sa nangyari sa kanila. Kasama pa rin daw niya ito sa kanyang mga lakad at ipinagkakatiwala pa rin niya rito ang mga kinikita niya.

“Kung ibang bata ‘yan, itinakwil na nito ang ina dahil sa nangyari sa kanila. Pero wala kang marinig na panunumbat mula sa batang ‘yan. Mahal kasi niya ang ina niya kaya tinanggap niyang nagkamali ito,” pagtatapos pa ng veteran actor.

vuukle comment

ACTOR

DAHIL

KASAMA

NAGHAHANAP

NALUNGKOT

NIYA

PERO

PINAUPAHAN

TINULUNGAN

YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with