^

Pang Movies

Pero hindi raw nanliligaw: Miguel nagpapadala ng tsokolate at bulaklak kay Bianca

FREE LANCER Emy - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Mas gusto pala ni Miguel Tanfelix na magkaroon ng permanent love team. Natutuwa naman ito dahil nag-click ang tambalan nila ni Bianca Umali.

Anang aktor ‘‘Kapag pumupunta kami sa probinsya para sa promosyon ng show ay maraming kinikilig. Nakabuti po ang love team namin dahil lalo ka­ming nakilala,’’ aniya.

Prayoridad pa rin ni Miguel ang kanyang trabaho dahil bata pa siya para magkaroon ng special someone. Crush nito si Bianca pero hanggang dun lang at wala munang ligawan. Pero inamin nitong dinadalhan niya ng tsokolate at flowers sa set ang magandang aktres.

Sa kabilang banda mahusay na nailarawan ni Miguel ang karakter na ginampanan sa Magpakailanman bilang ampon ni Celia Rodriguez. Madaling tumulo ang kanyang luha dahil inilalagay nito ang sarili sa role na ginagampanan bilang totoong ampon.

Walang kumpetisyong namamagitan sa kanila ni Ruru Madrid na kasama niya sa Magpakailanman dahil parang tunay na magkapatid ang turingan nila sa isa’t isa.

Pagpapakita ng boobs ni Michelle ikinatuwa ng kanyang nanay!

Nabigyan ng R-16 ang pelikulang Bacao na tinatampukan ni Michelle Madrigal at nabigyan ng Grade B ng Cinema Evaluation Board.

First time na nag-topless si Michelle kung saan may maiinit na eksena sila ng kaparehang si Arnold Reyes. Artistic itong nakunan ni Direk Edgardo Boy Vinarao.

Magaganda ang feedback na natanggap ng pelikula at natuwa rin ang nanay ni Michelle na nanood sa premiere night. Sa ending ng pelikula ay napaluha ang aktres dahil nadala sa eksena.

‘‘Naalala ko ang mga pinagdaanan ko sa aking buhay. Mahirap mawalan ng mahal sa buhay,’’ anang aktres.

Ang Bacao ay ipalalabas sa October 29 sa mga SM Cinemas nationwide. Kaya umaasa ang lahat laluna ang mga prodyuser ng Oro de Siete Productions na kumita ito. Alas nila ang magandang istorya at maganda ring pagkakagawa ng pelikula.

vuukle comment

ANG BACAO

ARNOLD REYES

BIANCA UMALI

CELIA RODRIGUEZ

CINEMA EVALUATION BOARD

DIREK EDGARDO BOY VINARAO

GRADE B

MAGPAKAILANMAN

MICHELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with