^

Pang Movies

Claudine desperado nang makabalik ng showbiz

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Gusto na raw magbalik sa show business ni Claudine Barretto. Talaga namang matagal na niyang gusto dahil doon siya kumukuha ng kanyang ikinabubuhay. Kung mayroon man siyang makukuhang endorserments, nakasalalay pa rin iyon sa kanyang career bilang artista. Alalahanin natin na napakaraming mga commercial models, at kaya lang sila binabayaran nang mas malaki ay dahil artista sila.

Noon pa naman sinasabi ni Claudine na mayroon na siyang comeback movie. May sinasabi pa siyang magiging leading lady siya ni Derek Ramsay. Sinasabi rin niya noon na Viva ang magpo-produce ng kanyang come back movie. Tapos may sinasabi rin siyang mayroon na siyang done deal sa Star Cinema, pero iyong dalawang kumpanya ay parehong nagsabi na wala pa silang project for her.

Iisa ang sinabi ng dalawang kumpanya, kailangang magbawas muna siya ng timbang. Kahit naman ano’ng tingin mo sa mga lumalabas na pictures at video ni Claudine, mukha siyang mas matanda sa kanyang age dahil mataba siya talaga, as in mataba.

Lahat ng mga bagay na ganyan ay kailangang ilagay muna sa ayos, lalo na’t iisipin na napakatindi na ng kumpetisyon sa ngayon. Marami nang mga bagong artista na mahuhusay din naman. Siya ay magbabalik at hindi pa nakasisiguro kung may darating nga sa kanyang second chance. Hindi kasi naging maganda sa kanyang career ang matagal niyang pagtigil. Hindi mo rin naman masasabi na ang mga fans niya dati ay nandiyan pa. Kailan pa ang huli niyang pelikula? Iyon ngang serye niyang ginawa noon sa Channel 7 hindi rin naging maganda ang resulta.

Ang dami ring mga artistang nagka-come back. Tapos ang nakikita pa sa kanya, medyo negative kagaya ng kanyang mga away, at kagaya noong isang araw na inilabas pa niya sa kanyang social networking account mismo na mayroon siyang mga rashes sa katawan. Siguro, marami pang kailangan munang patunayan si Claudine bago may magka-interest na sumugal sa kanyang come back.

Jessy nilait-lait ang aCting

Kawawa naman si Jessy Mendiola. Nilalait siya dahil sa hindi raw magandang performance niya sa kanyang nakaraang pelikula. Mukhang siya pa ang sinisisi sa hindi magandang resulta noon.

Iyang acting ng isang artista, kahit na sabihin nating may mga artistang likas na magaling at hindi na kailangan ng coaching, actually nasa director iyan eh. Kasi hindi nakikita ng artista ang kanyang ginagawa. Iyong director ang nagsasabi kung ok na ang kanyang performance o hindi. Kung hindi maaari namang mag-retake. Kaya kung nakalusot iyon sa director niya, ok na rin iyon.

Isa pa, huwag naman dapat mag-expect ng sobra, dahil kagaya nga ng sinabi ni Jessy noong simula pa man, talagang nahirapan siya dahil ang mga kasama niya sa pelikula ay puro mga beterano at magaga­ling na artista talaga. Hindi naman siya dapat ikumpara sa mga kasama niya. Isa pa, baka nabigla si Jessy dahil talagang napakabigat na role iyon, na first time lang naman niyang nagawa.

Aktor wala nang nagawa sa pagbulusok pababa ng career

Tuliro na raw ang utak ngayon ng isang male star, anuman kasi ang mga pambobolang sinasabi tungkol sa kanya, talagang bagsak na ang kanyang career. Alam din naman niya kung bakit nangyari iyon, kaya lang, no way out na siya sa kanyang sitwasyon. Ang totoo, wala palang offers na dumarating sa kanya kahit na anuman. Kawawa rin naman siya dahil dati isa siya sa pinaka-in demand. Ngayon bigla siyang nalaos.

vuukle comment

CLAUDINE

DAHIL

JESSY

KANYANG

NAMAN

NIYA

SIYA

SIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with