^

Pang Movies

Hindi na halos nakakatrabaho female celeb na mahinhin laging lasing!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi muna puwedeng mag-guest sa isang TV show ang female celebrity dahil sa ginawa nitong pambibitin sa isang taping.

Nalokah ang talent coordinator ng naturang talk show dahil matino raw nilang nakausap ang female celebrity at ilang beses nilang nai-follow up ang guesting nito at panay ang “oo” nito.

Pero pagdating sa araw ng taping ay no-show ito. As in, hindi man lang tumawag na hindi siya makakarating.

Nalaman na lang daw ng handler ng female celebrity ang ginawa nitong kapalpakan kaya ito na ang nagpaabot ng sorry sa buong staff ng talk show. Hindi raw kasi sa kanya pinaalam ng female celebrity na may guesting ito sa naturang talk show. Sabi nga ng TC ng show na ‘yung female celebrity na raw ang kakausap sa handler niya regarding sa guesting nito. Pero ang ending, wala pala itong sinabi.

Kung alam lang daw ng handler iyon ay gagawa ito ng paraan na papuntahin ang alaga niya kesehodang may mga pinagdaraanan itong mga problema.

Naikuwento nga niyang may personal problems ang female celebrity at dinadaan daw nito sa pag-inom ang kanyang mga nagiging problema. Nagulat naman daw ang TC ng talk show dahil wala sa hitsura ng female celebrity na isa itong lasengga. Kapag nakikita raw nila ito sa studio ay very prim and proper at tila hindi makabasag plato ang image. Pati nga raw magsalita ay napakahinhin.

Pero binuking ng handler nito na daig pa nito ang mga taga-kanto kung makipaglasingan. Kung isda lang daw ito, ginagawa nitong tubig ang alak gabi-gabi.

Naikuwento rin ng handler na marami nang mga shows ang ayaw nang kuning guest ang alaga niya dahil nambibitin daw ito.

Lagi raw problema ng female celebrity ay ang kanyang lovelife. Madali raw kasing ma-in love si female celebrity kaya madali rin itong masaktan kapag hinihiwalayan na siya. Kaya ang alak ang nagiging paraan niya para makalimutan nito ang mga problema niya.

Natatakot nga ang handler ni female celebrity na baka maging pangit na bisyo na ang ginagawa nito sa pag-inom. Baka isang araw ay wala na itong makuhang trabaho dahil sa kanyang pagiging lasengga.

Kaya ang handler niya ang siyang panay nagso-sorry sa ginagawang palpak ng alaga niya.

Mo Twister nagsalita sa panglalait sa pinatay na transgender

Itinanggi ng outspoken radio deejay na si Mohan Gumatay o mas kilala nilang si Mo Twister sa kanyang Twitter account ang mga lumabas na homophobic rants at hateful remarks niya sa pinaslang na transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude sa diumano’y Facebook account niya.

Ayon pa sa mga tweets ni Mo, wala siyang Facebook account at obviously ay fake ang account na Mohan Gumatay. Meron lang daw siya ay Twitter at Instagram account.

Tweet nga ni Mo: “To remind everyone, I don’t have a Facebook account so pls don’t screen grab shit from a fake page & ask me why I said something I didnt. =)”

Ang naturang fake Facebook account nga raw ni Mo ay nakakatanggap ng maraming birthday greetings at ang friends list niya ay mga media personalities at ilang pang nauugnay sa kanya.

Bridget Jone’s Diary 3 malabo nang mapunta kay Renee Zellweger

Nag-react ang Hollywood actress at Oscar winner na si Renee Zellweger dahil nag-trending sa social media ang kanyang naiibang mukha ngayon.

Naging topic ang naiibang mukha ni Renee ngayon sa lahat ng mga morning and late night talk shows. Pati sa mga entertainment shows at naging number one topic.

Sa ginawang interview nga kay Renee ng People.com nang nagpakita siya in public with her new face sa 21st Elle Women in Hollywood Awards, sey ng 45-year old actress na masaya raw siya sa hitsura niya ngayon.

“Perhaps I look different. Who doesn’t as they get older?! Ha. But I am different. I’m happy.”

Hindi nabanggit ng aktres kung dumaan ba siya sa plastic surgery o hindi? Pero ayon sa mga medical experts, halatang may pinaayos sa mukha si Renee dahil nawala ang kanyang signature squinty eye na siyang nagpasikat sa kanya sa mga pelikulang Jerry Maguire at Bridget Jones’s Diary. Pati na ang matambok niyang pisngi ay nawala.

May mga dumepensa naman kay Renee na karapatan nitong magpabago ng kanyang mukha kung ito ang kaligayahan niya.

Ang magiging backlash lang sa pagpapabago ng mukha ni Renee ay ang mawala sa kanya ang role na Bridget Jones dahil in the works na nga ang third sequel ng Bridget Jones’s Diary. Malamang na palitan si Renee ng ibang aktres dahil sa pagbabago nito ng mukha.

vuukle comment

BRIDGET JONES

CELEBRITY

DAHIL

FACEBOOK

FEMALE

NIYA

RENEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with