^

Pang Movies

Ellen high school pa lang, lasengga na

- Vinia Vivar - Pang-masa

Si Ellen Adarna ang pumalit kay Marian Rivera bilang Ginebra San Miguel 2015 Calendar girl kaya siya na talaga, wala nang iba ang pinaka-hot nating sexy star sa kasalukuyan.

Nagkaroon ng bonggang launching si Ellen kahapon sa Rembrandt Hotel at say nga niya, sobrang happy siya na napili as the newest calendar girl of Ginebra San Miguel.

Aminado naman si Ellen na malakas siyang uminom kahit noong nasa Cebu pa siya at high school pa siya. GSM Blue nga raw ang iniinom nilang magkaka­klase.

Kaya nga nang i-offer sa kanya ito, hindi raw siya nagdalawang-isip. Agad-agad niya itong tinanggap dahil sino raw ba naman ang tatanggi sa malaking offer na ito.

But at the same time ay may pressure raw sa kanya dahil ang papalitan niya ay si Marian. But then, alam daw niyang hindi naman niya pwedeng lampasan ang aktres.

“Malampasan si Marian, malayo ho ‘yan siguro,” say niyang natatawa.

Pero siyempre, sobrang preparations din naman daw ang ginawa niya para lumabas na hot and sexy ang kanyang pictorial. Nag-diet siya nang todo to look good, nag-exercise and all.

Wala ba siyang pina-enhance?

“My boobs are enhanced,” walang kiyeme ­niyang pag-amin, “pero for this shoot, wala po.”

Dati pa raw niyang pina-enhance ang kanyang boobs, wala pa itong GSM offer.

When asked kung may pinagpapatansayahan din ba siyang male celebrity since siya ang pantasya ng bayan ngayon sa mga female celebs, aniya ay hindi raw siguro pantasyang maituturing kundi gusto ­niyang makatrabaho at ito ay si John Lloyd Cruz.

“Gusto ko siyang maka-partner kasi magaling siya. Pagpantasyahan, wala kasi may boyfriend po ako,” she said.

Wala raw siyang pinagpapantasyahang hunk dahil hindi raw siya mahilig sa mga lalaking ma-abs at maskulado at mga tipo raw ni Lloydie talaga ang type niya at ina-admire niya.

Kim natupad ang pangarap na makatrabaho ang mga beterano

 Unforgettable experience para kina Coco Martin, Kim Chiu, and KC Concepcion ang teleser­yeng Ikaw Lamang na magtatapos na ngayong gabi, Friday.

“Napakagandang experience ang naibigay ng Ikaw Lamang para sa akin bilang aktor. Pakiramdam ko para akong gumawa ng dalawang soap opera dahil sa dalawang karakter na ginampanan ko bilang sina Samuel at Gabriel,” pahayag ng Hari ng Teleserye na si Coco.

Dream-come-true naman para sa Prinsesa ng Teleserye na si Kim na maka-eksena sa kanilang serye ang iba’t ibang award-winning na aktor sa industriya.

“Ang sarap sa pakiramdam na sabay-sabay kong nakatrabaho ‘yung mga iniidolo kong artista sa isang proyekto. Ang dami kong natutunan tungkol sa buhay at sa pag-arte mula sa kanila,” ani Kim.

Para sa 2014 FAMAS Best Actress na si KC, naging malaking hamon para sa kanya ang pagpasok sa kwento ng Ikaw Lamang bilang si Natalia.

Maging ang mga aktor na gumanap sa Ikaw Lamang bilang sina Franco at Mona na sina Jake Cuenca at Julia Montes ay punong-puno rin ng papuri sa naging tagumpay ng serye na kanilang kinabilangan.

Sa finale ngayong gabi, nakaka-shock daw ang magiging en­ding kaya ito ang dapat nating abangan.

 

vuukle comment

BEST ACTRESS

COCO MARTIN

GINEBRA SAN MIGUEL

IKAW LAMANG

JAKE CUENCA

JOHN LLOYD CRUZ

JULIA MONTES

RAW

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with