^

Pang Movies

John Lapus sampung taon nang walang lalaki

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Tama rin naman ang sinasabi ni John Lapus, nagkaroon na siya ng tatlong love affairs, ang huli ay mahigit na sampung taon na ang nakaraan, at pagkatapos noon ang sinasabi niya ay wala na siyang interest sa ano mang love affair. Ang term pa ngang ginamit niya ay “quota na ako.”

Inamin din naman ni John na ang tatlong nakarelasyon niya in the past ay mga lalaking straight, meaning hindi naman sila gay, bagama’t sinasabi niyang may duda siya roon sa ikalawa. Alam din naman daw niya na ganoon ang kauuwian ng lahat “dahil siyempre straight iyon eh, ang hahanapin pa rin niya babae pagdating ng araw.”

Ngayon ang talaga raw inaasikaso na lamang niya ay ang kanyang career. Marami siyang pelikulang ginagawa, at marami nga ang gagawin pa. Hanggang sa susunod na taon ay nakalinya na raw ang mga pelikulang gagawin pa niya, pero sa ngayon ay priority niya ang promo ng Moron 5.2.

Naging malaking hit ang kanilang part 1, at natural ang inaasahan ay malalampasan pa ng part 2 ang kinita noong una. Kaya sa ngayon todo siya sa promo ng pelikula.

Pero sinasabi nga namin, tama nga siguro ang pananaw ni John Lapus sa kanyang love life, kasi nga ang mga naka-affair naman niya ay mga tunay na lalaki. Mabuti rin naman at realistic siya sa kanyang buhay, at alam niyang ang hahanapin pa rin ng isang lalaki, ano man ang batayan ng inyong samahan ay isang tunay na babae.

Noong isang araw nga nag-trending sa internet ang ginawang pagkakasal ng isang paring nagpakilalang kabilang siya sa isang orthodox church sa dalawang lalaki sa Cavite. Dito sa Pilipinas, hindi naman illegal iyon, pero hindi rin naman legal. Hindi kinikilala sa Pilipinas ang mga ganoong klase ng kasal. Bagama’t hindi naman pinipigilan ang mga gustong magpakasal. Pero siguro nga mas ok naman iyong maging practical kagaya ni John Lapus.

Dalawang pelikula aatras daw sa MMFF

Inaasahan na pala nilang may mga pelikulang unang sinabing kasali sa Metro Manila Film Festival ang hindi talaga makakasali. Kabilang na nga riyan ang isang pelikulang ang isang mahalagang miyembro ng cast ay dumadaan sa mabigat na problema, at ayaw naman nilang palitan. Iyong isang pelikula rin daw, natigil ang shooting sa hindi pa malamang dahilan. Kaya malamang ang ipapalit sa mga iyon ay ang mga pelikulang “second choices” o iyong hindi nakapasok sa una nilang screening.

Hindi na rin naman bago iyan sa festival. Lagi namang may mga hindi nakakatapos, o kaya ay talagang umuurong. Kasi kung nakikita nilang hindi maganda ang kanilang chances sa festival, hindi na nila itutuloy ang kanilang pelikula at maghihintay na lang ng magandang playdate.

Hindi na rin naman bago iyan sa festival committee. Ang masama nga lang kadalasan ang naipapalit nila, hindi rin naman kumikita, kaya nga nababawasan agad ng mga sinehan, at iyong ibang sinehan nasasara pa. Hindi ba nangyari na iyan na isang se­cond choice na ipinasok nila na wala namang nanonood kundi pito katao lang?

Iyan namang MMFF, trade festival lang naman iyan eh. Exhibition lang ng mga nagawang pelikula, at hindi ibig sabihin noon ay matitinong pelikula.

vuukle comment

ISANG

JOHN LAPUS

KAYA

NAMAN

NIYA

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with