^

Pang Movies

Male celebrity dinurog ang puso ng inosenteng female starlet

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kaawa-awa nga ang female starlet na ito dahil pagkatapos ngang ligaw-ligawan ng isang male celebrity, bigla na lang daw siyang dinedma nito.

Nagtaka ang female starlet dahil noon daw ay super sweet sa kanya ang male celebrity at halos ipagsigawan nito na mahal siya nito. Pero bigla na lang daw nag-iba ang ihip ng hangin at ngayon ni text ay hindi na raw siya pinadadalhan nito.

Gusto sanang alamin ni female starlet kung bakit biglang nanlamig sa kanya ang male celebrity. Sa pagkakaalam niya ay wala naman siyang nagawang mali o nasabi sa media.

Nahimasmasan na lang si female starlet nang may magsabi sa kanya na ganyan talaga ang ugali ng male celebrity. Pasasakayin muna nito ang babae, kapag na-hook na sa kanya ay bigla niyang bibitawan na walang rason.

“Kasi nga nakahanap na ng ibang pasasakayin niya. Ganyan naman ang modus operandi ng lalaking ‘yan until makahanap siya ng ibang girl na lolokohin niya. Kawawa nga lang ang girl na pinaasa niya dahil hindi naman pala siya serious in the first place,” sey pa ng source namin.

Kaya si female starlet, move on sa nararamdaman niya sa walang kuwentang male celebrity. Kapag nagkakasalubong nga raw sila sa anumang showbiz events ay ang male celebrity pa raw ang umiiwas dahil alam niyang malaki ang kasalanan niya sa pinasakay niyang female starlet.

Legendary fashion designer na si Oscar De La Renta pumanaw na sa sakit na cancer

Sumakabilang-buhay na ang legendary fashion designer and style icon na si Oscar De La Renta. He was 82 at pumanaw siya sa kanyang tahanan sa Kent, Connecticut.

Cancer ang ikinamatay ng tinaguriang ‘sultan of suave.’ Na-diagnose si Oscar na meron siyang cancer noong 2006 pa.

“Yes, I had cancer. Right now, I am totally clean. The only realities in life are that you are born, and that you die. We always think we are going to live forever. The dying aspect we will never accept. The one thing about having this kind of warning is how you appreciate every single day of life,” sey pa ni Oscar nang tanggapin niya ang isang parangal mula sa CFDA (Council of Fashion Designers of America) noong 2006.

Nakilala nga si Oscar dahil sa mga red carpet gowns na ginawa niya at sinusuot ng mga big Hollywood stars tulad nila Sarah Jessica Parker, Anne Hathaway, Cameron Diaz, Gwyneth Paltrow, Jessica Biel, Tina Fey, Amy Adams, Jennifer Garner, Lea Michele, Carrie Underwood, at Taylor Swift.

Ultimo mga royalties at asawa ng mga U.S. politicians ay paborito ang kanyang mga creations tulad nila Betty Ford, Jackie Kennedy, Nancy Reagan, Hillary Clinton, Laura Bush, at Michelle Obama.

Huli ngang big creation ni Oscar ay ang wedding gown ni Amal Alammudin na sinuot sa kasal nito with George Clooney.

Pinanganak sa Dominican Republic si Oscar in 1932 and at age 18 ay nag-aral ito ng painting sa Madrid, Spain. Doon na-develop ang kanyang love for fashion design. Nagtrabaho siya bilang apprentice ni Cristobal Balenciaga hanggang sa magtrabaho siya sa fashion house na Lanvin in Paris, France.

Una siyang nagkapangalan in the early ‘60s nang isuot ni former U.S. First Lady Jacqueline Kennedy ang kanyang mga designs sa mga formal events sa White House.

Simula noon ay nag-launch na siya ng kanyang sariling label hanggang sa itanghal siya bilang isa sa most influential fashion designer sa buong mundo.

vuukle comment

AMAL ALAMMUDIN

AMY ADAMS

ANNE HATHAWAY

BETTY FORD

CAMERON DIAZ

CARRIE UNDERWOOD

NIYA

OSCAR DE LA RENTA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with