^

Pang Movies

Robin nginitian lang ang ‘relasyon’ ni Kylie kay Rayver

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nag-smile lang si Robin Padilla sa mga reporter na nagtanong ng reaksyon niya tungkol sa isyu ng sobrang pagkakilig kay Rayver Cruz ng kanyang anak na si Kylie Padilla.

Dumalo si Robin sa celebrity screening ng Dilim sa Trinoma Cinema noong Lunes at dito siya na-corner ng showbiz press.

Walang sagot na nakuha ang mga reporter dahil idinaan ni Robin sa pagngiti ang kanyang sagot. Sinalo siya ng misis na si Mariel Rodriguez na nag-dialogue na wala silang alam tungkol sa isyu at nagpunta sila sa special preview ng Dilim bilang suporta kay Kylie.

No-show sa celebrity screening ng Dilim si Rayver dahil nasa abroad siya. Chance na sana na magkita sila ni Robin nang personal.

Buong giting na sinabi noon ni Rayver na wala siyang dapat ikailang o ika-intimidate sa  tatay ni Kylie dahil matagal na silang magkakilala.

Joey Reyes certified senior citizen na!

Si Joey Reyes ang direktor ng Dilim at kahapon ang kanyang 60th birthday.

Certified senior citizen na si Joey kaya may ID na siya at puwede nang mag-avail ng 20% discount sa mga restaurant at drug store.

Parang birthday presentation ni Joey ang Dilim dahil ngayon ang showing nito sa mga sinehan.

Alden at Kylie parehong hindi napanood ang pilot ng kanilang bayani serye

Parehong hindi napanood nina Kylie Padilla at Alden Richards ang pilot telecast ng Ilustrado noong Lunes.

Umapir si Alden sa celebrity screening ng Dilim bilang suporta sa kapareha niya sa Ilustrado. Pasado alas-nuwebe na nang mag-umpisa ang screening kaya hindi na nila napanood ni Kylie ang unang episode ng bayaniserye ng GMA-7.

Pinaitim ang mga balat nina Alden at Kylie sa mga eksena nila sa Ilustrado dahil mga mestiso at mestisa sila. Ginawang kayumanggi ang skin color ng dalawa para believable ang pagganap nila bilang Dr. Jose Rizal at Leonor Rivera.

LJ magaling magmaldita!

Effective na kontrabida si LJ Reyes sa Yagit dahil kinabubuwisitan siya ng televiewers.

Apektadung-apektado ang viewers ng Yagit kapag pinapanood nila ang mga eksena ni LJ.

Gigil na gigil sila sa mga pagtataray ni LJ sa mga bata na bida ng Yagit. Para kainisan nila si LJ, nagtagumpay ang ex-dyowa ni Paulo Avelino sa kanyang kasumpa-sumpa na contravida role na napakalayo sa ugali niya sa tunay na buhay.

Kasong robbery with homicide sa brutal na pumatay sa ina ni Cherry Pie, kulang pa raw

Robbery with homicide ang mga kaso na pormal na isinampa sa Quezon City Regional Trial Court laban kay Michael Flores, ang houseboy na umamin sa pagpatay kay Mrs. Zenaida Sison, ang ina ni Cherry Pie Picache.

Makakamit na ni Cherry Pie ang hustisya pero para sa ibang tao, hindi sapat na makulong si Flores dahil sa bayolente na pagpaslang niya sa ina ng aktres. Para sa kanila, death penalty ang parusa na dapat ipataw kay Flores.

Francine napalapit sa Diyos dahil sa lalaking walang paninindigan

Marami ang naaliw sa kuwento ni Francine Prieto tungkol sa kanyang lovelife na walang kinahinatnan dahil nagbago ang isip ng mhin. Ito ang kuwento ni Francine:

“By my birthday month, I met someone, I know He gave him to me. This man accepted all my factory defects and even wants us to get married the next year.

“But it’s all talk, I don’t see any action, I just gave him until May 2014 to come and visit me, I even told a friend that if he’s not going to see me, I will just focus on my spiritual life. And on the day of his flight to Manila, he cannot ride daw the airplane because of b… err phobia.”

Nakakapagkuwento na ngayon si Francine tungkol sa mga pagsubok na pinagdaanan niya dahil “spiritual” na siya ngayon. Kung natuloy noon ang pagpunta ng mhin sa Maynila, hindi mare-rediscover ni Francine ang Panginoon.

vuukle comment

CHERRY PIE

DAHIL

DILIM

FRANCINE

ILUSTRADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with