^

Pang Movies

Higit sa 6,500 Pinoy sa Canada, naki-party sa It’s Showtime

Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinagkaguluhan ng higit sa 6,500 na Pinoy sa Toronto at Edmonton, Canada ang buong It’s Showtime family na nagpasaya sa kanila sa back-to-back shows na handog nito noong September 20 at 21.

Nabusog ang mga nanood sa siksik na three-hour show kung saan bigay-todong bumirit si Anne Curtis ng mga kanta gaya ng Let It Go at Halik.

Patok na patok din ang pagpapatawa nina Vice Ganda, Vhong Navarro, at Billy Crawford sa kanilang comedy skit. Humirit pa si Vice ng pagkanta ng theme songs ng Kapamilya teleseryes na bumenta sa mga Pinoy na araw-araw na sumusubaybay sa mga ito.

Hindi rin nagpahuli si Jhong Hilario dahil hinarana niya ang mga kababaihan sa pamamagitan ng kanyang sexy dance moves.

Bukod sa pagbibigay sa mga Kapamilyang nasa Canada sa live shows, naglaan din ng panahon ang hosts na bisitahin ang dalawang masugid na TFC (The Filipino Channel) subscribers doon – isang lola at isang caregiver – na kanilang personal na binisita at sinorpresa pa ng video ng kanilang mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas.

Nagsilbi ring bonding opportunity ng lahat ng hosts na sina Anne, Vice, Vhong, Billy, Karylle, Kuya Kim, Jhong, Ryan, Coleen, Jugs at Teddy, at Eruption ang bakasyong ito sa Canada, at balita pa’y ayaw na raw umuwi ni Ryan matapos makita ang Niagara Falls.

Ang tagumpay ng Canada shows ng It’s Showtime ay isa lamang sa mga inihanda ng programa para sa madlang people bago sumabak ang hosts nito sa isang buwang pagdiriwang ng fifth anniversary ng top-rating noontime show ngayong Oktubre.

vuukle comment

ANNE CURTIS

BILLY CRAWFORD

FILIPINO CHANNEL

JHONG HILARIO

KUYA KIM

LET IT GO

NIAGARA FALLS

PINOY

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with