^

Pang Movies

Pinay na 15 years old grand winner sa X Factor Australia

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines – Grand winner ang 15-anyos na Pinay na si Marlisa Punzalan sa katatapos na X Factor Australia.

Yup, si Marlisa na raw ang pinakabatang grand winner ng talent search sa Australia.

Ang Irish singer na si Ronan Keating, da­ting member ng grupong Boyzone, ang mentor sa prog­rama ni Marlisa.

Tinalo ni Marlisa ang mga kalabang sina Dean Ray and Brothers 3. “What an amazing GRAND FINALE!!!! THANK YOU SO MUCH for everything!!! Loved every bit of my incredible journey and you are all with me in this,” sabi ni Marlisa sa kanyang Instagram account pagkatapos niyang tanghaling grand winner.

Tumanggap ng standing ovation si Marliza sa final performance niya  sa programa kung saan kinanta niya ang Yesterday ng Beatles na isa sa tatlong kanta niya. Ang dalawa pa ay ang Stand By You and Never Be The Same.

Si Marlisa ang nag-iisang Pinoy sa finals sa nasabing ta­lent contest. May sumali raw isang grupo ng mga Pinoy, pero maagang natsugi sa contest.

Kasama naman sa nag-perform sa Grand Finale sina Mauboy, Guy Sebastian at Taylor Swift.

Wala pang sinasabi si Marlisa kung uuwi siya ng bansa.

Nauna nang nanalo sa X Factor Israel ang Pinay DH na si Rose Fostanes na kamakailan ay dumating ng bansa para mag-promote ng kanyang album.

Wala nang balita kung anong nangyari sa career  ni Rose.

Kylie conscious pag katabi si Rayver

Conscious na conscious si Kylie Padilla nang mag-guest sila ni Rayver Cruz sa The Buzz last Sunday para sa promo ng pelikula nilang Dilim for Regal Entertainment na showing na bukas, Wednesday.

Si Toni Gonzaga ang na-assign na mag-interview sa kanila. Nang tanungin si Kylie kung bakit Dilim ang title ng movie nila, hindi agad nakasagot si Kylie at parang nanga­ngapa pa sa sasabihin.

Sayang ang ganda-ganda pa naman niya sa nasabing appearance niya sa The Buzz.

Or baka naman na-intimidate siya kay Toni na kinukulit-kulit sila? O baka dahil katabi niya si Rayver?

Toni ang dry ng hair

Speaking of Toni. Why kaya parang ang dry-dry ng hair niya sa The Buzz last Sunday.

Parang hindi na-blowdry na maigi. Or baka sobrang harass na lang sa rami ng trabaho.

Endorser pa naman siya ng conditioner.

vuukle comment

ANG IRISH

DEAN RAY AND BROTHERS

DILIM

GRAND FINALE

GUY SEBASTIAN

KYLIE PADILLA

MARLISA

MARLISA PUNZALAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with