^

Pang Movies

Problema sa Cinemalaya, hindi pa rin naaayos ni Direk Paul

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Wish ni Direk Paul Soriano na maayos na ang gusot sa pagitan ng  producers and directors ng Cine­malaya. Naging mainit ang isyu sa pagpapalabas ng Cinemalaya movies sa YouTube noong nakaraang festival at kasama ang Transit sa ini-upload na walang pahintulot mula sa producer at direktor nito. Maging sa ibang director at producer ng ibang sumali sa Cinemalaya ay hindi rin inabisuhan ng Cinemalaya.

Nalungkot lang daw si Direk Paul dahil  pinaghirapan nila ang movie pero libre ngang napanood ng mga tao sa YouTube. Naintindihan naman daw niya ang magandang hangarin ng Cinemalaya. Layunin daw nito na mai-promote ang nasabing festival na nagdaos ng kanilang 10th anniversary ngayon taon. Open si Direk Paul at iba pang directors na makipag-usap sa mga kinatawan ng Cinemalaya para talakayin ang kinakaharap nilang problema.

Wish din ni Direk Paul na maayos ang sariling problema ng Cinemalaya para maipagpatuloy pa rin ang pagpapalabas ng quality films na isang mala­king venue sa mga baguhang director at maging ng mga actor.

Ang movie ni Direk Paul na Transit ay unang naipalabas at napansin sa Cinemalaya Film Festival last year na hanggang ngayon ay binibigyan pa rin ng parangal at magandang review sa loob at labas ng bansa. Maging ang indie film na Marquina na entry sa Director’s Showcase this year sa Cinemalaya na isa si Direk Paul sa executive producer ay umani rin ng mga award at ipapalabas pa sa Busan International Film Festival kung saan pupunta ang grupo nila sa Korea.?

Carla payag mag-FHM ‘pag kasama sa pictorial ang kanyang lola Delia Razon

Ngayong tapos na ang palabas na My Destiny ng Kapuso Network, may time nang magbawas ng timbang si Carla Abellana.

Nagsimula na raw siyang mag-diet dahil doble ang laki niya sa TV screen na kitang-kita ang kanyang malalaking braso. Kaya nagti-trim down na siya at kung sakali raw bigyan siya ng sexy role ay ready naman daw si Carla dahil nasa tamang edad na siya para magpakita ng skin. Pero hindi pa rin siya puwedeng lumabas sa FHM, dahil hindi raw siya papayagan ng lola niyang si Delia Razon na ilantad o maghubad sa nasabing magazine. Nagbiro ang aktres na puwede raw siguro siyang lumabas ng FHM kung kasama ang lola niya.

Samantala, excited si Carla sa muling pagsasama ng daddy niyang si Rey “PJ” Abellana at dating ka-loveteam nitong si Leny Santos. Willing si Carla na makasama ang daddy niya at si Leny sa project na pagsasamahan ng dalawa na never pang na-meet ng aktres.

vuukle comment

BUSAN INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

CARLA

CARLA ABELLANA

CINEMALAYA

CINEMALAYA FILM FESTIVAL

DELIA RAZON

DIREK PAUL

DIREK PAUL SORIANO

KAPUSO NETWORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with