^

Pang Movies

Solenn at Polo parehong nag-e-enjoy sa pakikipag-live in

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Uso ngayon sa showbiz ang pag-amin sa pagpa-pakasal tulad nila Alwyn Uytingco at Jennica Garcia; Nadine Samonte at Richard Chua.

Pati na rin ang mag-propose in public tulad nang ginawa nila Dingdong Dantes at Marian Rivera; John Prats at Isabel Oli.

Pero iba naman sina Solenn Heussaff at Polo Ravales dahil mas gusto muna nila ang makipag-live-in sa kanilang partners.

Matagal nang inamin ni Solenn na three years na silang live-in ng kanyang Argentinian boyfriend na si Nico Bolzico. Mas pinili raw nila ang ganitong pagsasama dahil walang pressure sa kanilang relasyon.

“Para na rin naman kaming kasal, wala lang papel,” tawa pa ni Solenn. I guess, it’s better this way because both me and Nico, we don’t want any stress or pressure.

“I always say that life is too short—let’s all chill, relax, and have fun. Ayokong ma-pressure. Nakaka-affect daw ‘yon ng relationship.

“As long as we’re happy with what we have now, there’s nothing to worry about. ‘Yung pagpapakasal, it’s just papers—formal papers.

“But ‘yung pagsasama namin, para na rin kaming mag-asawa minus those papers na pinipirmahan.”

Pero aminado naman si Solenn na balang-araw ay gugustuhin din daw niyang maging bride tulad ng kanyang kaibigan na si Heart Evangelista.

Three years din na ka-live-in ni Polo Ravales ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Shasta Munsayac. Nitong nakaraang bakasyon nga nila sa US, hindi naman daw nila naisip na magpakasal roon.

“Hindi namin naisip ‘yon, eh. Talagang bakasyon lang ‘yon. Two weeks lang ‘yun kasi. We went to San Francisco, Sacramento, New York, New Jersey, and Pennsylvania. Hindi kami nag-Las Vegas kaya hindi namin naisip magpakasal!” tawa pa ni Polo.

Pabor naman daw pareho sila Polo at Shasta sa kanilang live-in situation. Magandang paraan daw ito para mas makilala pa nila ang isa’t isa bago nila maisipan na magpakasal.

“We’re at the right age naman. I’m 32 and she’s 30. Wala naman na sigurong issue tungkol diyan. And for me, mas okey ang ganitong arrangement. Walang problema with both our families.”

In three years ay nasa plano na nila Polo at Shasta ang magpakasal.

Joan Rivers nagkaroon ng brain damage kaya namatay

Nilabas na ng New York City Office of Chief Medical Examiner ang kanilang findings sa pagkamatay ng legendary comedian at host ng Fashion Police na si Joan Rivers.

Ayon sa naging imbestigasyon, Joan Rivers went into hypoxic arrest during her throat procedure. Na-cut off daw ang oxygen na papunta sa kanyang utak kaya ito ang naging cause of death.

Tawag dito ay “predictable complication”.

Na-reveal din na sedated ang TV host-comedian ng Propofol during the procedure.

Dumaan sa naturang throat procedure si Joan dahil nais itong i-elevate ang kanyang boses at makayanan nito ang acid reflux.

Dahil sa lack of oxygen kaya nagkaroon ng brain damage si Joan.

vuukle comment

ALWYN UYTINGCO

DINGDONG DANTES

FASHION POLICE

HEART EVANGELISTA

ISABEL OLI

JOAN RIVERS

NILA

POLO RAVALES

SOLENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with