^

Pang Movies

Maricel biglang nanahimik, walang panibagong alok na trabaho

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ano na ang kasunod na project ni Maricel Soriano? Nagtatanong lang kami dahil wala pa kaming naririnig at marami rin kaming naririnig na nagtatanong din. Sinasabi nga kasi nila na dahil sa naging magandang resulta ng kanyang katatapos na teleserye, dapat sundan na agad iyon ng isa pang proyekto. Sayang naman ang momentum.

Sinasabing nakabawi na nang husto si Maricel sa naturang serye kahit may oras na pinipintasan siya. Nagkaroon man kasi siya ng isang comeback movie, at nabigyan naman ng kredito dahil nanalo pa nga siya ng award, hindi rin sa kanya ibinigay na lahat ang kredito sa success ng pelikula. Pero doon sa ginawa niyang teleserye walang ibang masasabing nakapagdala nang kasing bigat ng pagkakadala niya. May iba rin namang mga artista, pero mabigat talaga ang role ni Maricel.

May nagsasabing dapat na siyang gumawa agad ng isang pelikula, pero malaking sugal ‘yan. Wala rin namang kuwenta kung gagawa lang siya ng isang indie, wala ring manonood gaano man siya kahusay. Talagang wala pang market ang mga pelikulang indie dito sa ating bansa. Minsan nga hindi natin namamalayan napalabas na pala. Wala rin kasing ingay.  Kung pelikula namang high budget, may malaki ngang risk. Kaya kami ang paniwala namin siguro ang mas maganda ay isa pang teleserye.

Actually wala naman talagang problema para kay Maricel dahil hindi naman siya nakatali exclusively sa kahit na anong network. Pero dapat maging wise siya. Kung gagawa rin lang siya, dapat sa major network na.

More or less, alam na rin naman natin kung ano’ng klase ng proyekto ang gustong mapanood ng kanyang mga fans. Kailangan sundan na lang muna siguro ang ganoong genre. Pagkatapos ng isa pa, masasabi nating nakaba­ngon na siyang talaga at maaari na ngang gumawa ng kahit na anong proyekto.

Goodluck Maricel.

Dingdong hindi pa puwede sa Senado

Ano man ang sabihin ni Ding­dong Dantes na hindi pa niya pi­nag-iisipan ang pagpasok sa pulitika, hindi naman maikakailang ang kanyang mga ginagawa lately ay may bahid na ng pulitika. Mayroon pa siyang pinangunahang fun run laban sa corruption, pero maliwanag naman ang indikasyon ng suot niyang kulay dilaw, meaning may mga taong sinasabing corrupt din na hindi niya kinakalaban.

Ang sabi ni Dingdong, hindi pa raw niya pinag-iisipan ang pagtakbo bilang senador, kasi iyon naman ang itinanong sa kanya. Pero senador nga ba agad? Una hindi naman siya abugado, at wala namang karanasan sa paggawa ng batas. Iyon ang mahalaga sa senado. Ika­lawa, kung pagbabatayan ang isang survey na isinagawa kamakailan lamang, lumalabas na siya ay number 41, at ang kukuning senador ay 12 lamang. Kaya malabo ang kanyang probability kung iyon ang babasehan.

Kung talagang papasukin niya ang pulitika, subukan muna niya sa pinakamababa. Lumaban muna siya sa barangay. Huwag niyang bibiglain agad ang isang mataas na posisyon, baka magsisi siya.

Itinatagong anak ng isang matinee idol, gustong lumantad!

Malapit na raw lumantad ang isang “itinatagong anak na babae” ng isang matinee idol. Itinatago kasi ang bata ng tatay niya, at gusto noong bata na magpakilala na at kilalanin naman siya sa publiko ng tatay niya. Aabangan namin iyan.

vuukle comment

ANO

GOODLUCK MARICEL

ISANG

MARICEL

NAMAN

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with