^

Pang Movies

Kylie mahilig manakot!

SHOWIBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tinawanan na lamang ni Kylie Padilla ang pangungulit ng mga entertainment press sa kanya sa presscon ng Dilim kung may pag-asa ba kung manligaw sa kanya ang leading man niyang si Rayver Cruz. Pareho kasi silang single ngayon. It’s a breath of fresh air daw sa kanya na makatambal si Rayver na isang Kapamilya star. First time daw niyang may nakatambal mula sa kabilang network at first time rin naman ni Rayver na may makatambal na isang Kapuso actress.

Mahilig pala si Kylie manood ng horror movies, kaya natuwa siya nang i-offer sa kanya ng Regal Entertainment, Inc. Ang Dilim. Enjoy siya sa shooting at kahit natatakot daw si Rayver na hindi pala mahilig manood ng horror films, ay madalas niyang biruin na may multo sa set. Nagkakatawanan na lamang sila, pang-alis takot ba sa set?

Pero nilinaw na lamang ni Kylie sa mga nagtatanong tungkol sa love life niya, na ayaw na muna niya, kahit almost nine months na siyang single. Kahit daw ang daddy niya ay walang sinasabi dahil alam nitong wala pa naman siyang bagong boyfriend, pahinga muna ang puso niya.

Sa Wednesday, October 22 na ang nationwide showing ng Dilim na isinulat at dinirek ni Jose Javier Reyes.

Masaya si Kylie na mamayang gabi na magsisimula ang first Bayaniserye ng GMA News and Public Affairs na Ilustrado, pagkatapos ng Strawberry Lane. Magkaiba ang role na ginampanan niya sa dalawang projects na sabay niyang ginawa. Siya si Leonor Rivera, ang dakilang pag-ibig ni Jose Rizal sa Ilustrado at isa naman siyang teener na may third eye sa Dilim na nakatulong para malutas ang pagkawala ng mga young female students sa story. Thankful si Kylie sa Regal at GMA sa pagtitiwala sa kanya.

Direk Eric Quizon nakakalagare sa ABS at GMA

No problem naman kay Direk Eric Quizon kung tinanggap niya ang offer ng GMA-7 to direct the third episode ng Seasons of Love, ang First Dance, First Love na magpapabalik sa teen love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, pagkatapos ng very successful na inspirational drama series nilang Niño. Walang contract si Direk Eric kahit sa ABS-CBN, kaya puwede siyang tumanggap ng offer sa GMA. May gagawin siyang adaptation ng Mexicanovelang Passion de Amor pero magsisimula pa lamang siya, kaya last week ay nagpunta na sila sa breathtaking province of Bohol to shoot the love story of teen lovers Jasmine (Bianca) and Basti (Miguel). Dream ni Jasmine na maging member ng Bayanihan Dance Group pero bago nangyari iyon, naaksidente siya. Si Basti lamang ang nakapagbibigay ng bagong inspirasyon kay Jasmine, pero ano ang mangyayari sa sumi­sibol nilang pag-iibigan kapag nalaman ni Jasmine ang itinatagong sikreto ni Basti?

Last Saturday evening, sina Miguel at Bianca din ang napiling winner ni Ms. Lucy Torres-Gomez na siya ring nag-judge sa semifinals ng Celebrity Showdown ng dance show ni Marian Rivera, ang Ma­rian. Kung kinikilig si Marian sa new tween love team, tiyak na kikiligin din ang mga fans nila na manonood ng First Dance, First Love, simula mamaya, bago ang 24 Oras.

 

vuukle comment

ANG DILIM

BAYANIHAN DANCE GROUP

BIANCA

BIANCA UMALI

CELEBRITY SHOWDOWN

DIREK ERIC QUIZON

FIRST DANCE

FIRST LOVE

RAYVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with