^

Pang Movies

Aljur mukhang hindi na talaga makakaahon sa pagdemanda sa network

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ngayon, mukhang masasabing totoo nga ang sinasabi ng marami na nagkamali si Aljur Abrenica nang magwala siya at idemanda pa ang kanyang home network. Hindi kagaya nang dati na kahit na sinasabi niyang binibigyan siya ng trabahong hindi niya gusto, at least may trabaho naman siya. Ngayon, sinasabi nga nilang maski yata mga pista ng barangay lang pinapatulan niya para may kayod lang.

Kami nga mismo, ilang buwan ang nakalipas ay nakakita ng isang tarpaulin na kung saan sinasabing guest siya sa pagbubukas ng isang grocery sa isang probinsiya. Hindi naman masasabing supermarket man lang iyon, sa mga probinsiya grocery lang iyon.

Kung noong dati, lagi siyang kasali sa mga malalaki at pinag-uusapang mens’ fashion shows, itong taong ito ay walang kumuha sa kanya. Lumabas lang siyang parang extra sa isa, samantalang dati siya ang star talaga. Pinalitaw lang siya bilang suporta sa kanyang kapatid, dahil kung lalabas na kasali talaga siya sa show, puwede ring balikan pa ng network ang mga producers ng show dahil may management contract pa nga si Aljur sa kanila. Hindi pa naman napapawalang bisa iyon.

Dahil nakatali pa nga siya sa kanyang kontrata sa kanyang network officially, walang maglakas ng loob na kunin siya. Natural lang naman na ayaw nila ng trouble. Nakakita rin kasi ng sample ang lahat sa naging kaso noon ni Willie Revillame na lumaban nang demandahan, pero tingnan din ninyo kung ano ang nangyari, at hindi maikakailang noong panahong iyon mas malaking star naman si Willie kaysa kay Aljur.

Ang maaari pang mangyari niyan, hahaba ang pagdurusa ni Aljur. Kasi sa halip na matatapos na ang kanyang kontrata, dahil nagdemanda nga siya, maaaring ipasuspinde pa ang time clause ng kanyang kontrata dahil may kaso nga, hanggang hindi natatapos iyon. Eh, ‘di lalabas na mas matagal ang pagkakabalo lang ng kanyang career. Sa ngayon, wala na nga siyang career. Aywan namin kung ano pa ang mangyayari sa kanya mga ilang buwan pa mula ngayon.

MTRCB dapat maghigpit

Hindi lang naman mga pelikulang bold, ibig sabihin ay sexy, ang dapat na bantayan at higpitan. Noong isang araw, napanood namin sa telebisyon, bagama’t cable TV lamang naman iyon, ang isang pelikula ng mga kabataan na punung-puno ng violence at masasamang example. Nakalusot iyan sa MTRCB (Movie and Tele­vision Review and Classification Board) noong araw, at hanggang ngayon ay nakakalusot pa rin dahil napayagan pa nga sa telebisyon.

Ang masasabi ngang consolation lang diyan, noong ipalabas naman iyan sa mga sinehan ay hindi kumita, meaning walang nanood, kagaya rin ng iba pang mga pelikulang ginagawa ng director na iyon. Ngayon, siguro nga ipinalabas man iyan sa telebisyon, wala ring masyadong makakapanood, dahil halos madaling araw na nga nang ilabas ang pelikula.

Pero papaano kung may makapanood pa ng pelikulang iyon, na masamang example talaga ang ipinakikita? Dapat iyang mga ganyang pelikula hindi na talaga ipinapalabas.

 

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

IYON

LANG

NAMAN

NGAYON

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with