^

Pang Movies

Pangarap na bakasyon ‘di pa natutupad: Ayaw muna ng babae, Coco puro raket ang hinahanap

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa Nov. 1 ay magdiriwang ng kaarawan si Coco Martin at first time niyang magkakaroon ng isang malaking party na gaganapin sa Oct. 29. He has all the reasons to celebrate naman dahil bukod sa kaarawan niya ay ipagdiriwang niya rin ang kanyang ika-10 taong anibersaryo sa showbiz.

Bukod pa rito, timing din na by that time ay katatapos lamang ng Ikaw Lamang at dapat ding ipagdiwang na sa halos isang taon nitong pagsa­saere gabi-gabi ay namayagpag ito nang husto sa ratings at talaga namang nagte-trending sa social media ang bawat episode.

Another thing, katatapos lamang ng matin­ding problema ni Coco sa Gabriela and Philippine Commission on Women kung saan ay nasangkot siya sa Bench fashion show controversy.

Kumbaga, masaya at tagumpay ang lahat ng nangyayari lately sa buhay niya kaya naman dapat niya itong ipagdiwang at ipagpasalamat.

“Honestly,” say ni Coco nang makatsikahan namin siya sa set visit ng Ikaw Lamang, “ako, sa totoo lang, ayoko sanang mag-celebrate, kasi hindi ako sanay, eh. Kung magkaroon man, family lang. Ang may gusto talaga, ‘yung manager ko, si Mother Bibs (Biboy Arboleda), sabi niya, “kahit paano, mag-celebrate ka naman, magpasalamat ka man lang, i-enjoy mo ‘yung 10 yrs. mo kahit papano, ‘yung lahat ng pinaghirapan mo”.

Wala na raw siyang maiisip na regalo for himself pero gusto niya raw sanang matupad ang dream niya na makapagbakasyon sa ibang lugar sa Pilipinas kahit ilang araw lang.

“Sana. Honestly, gusto kong pumunta sa Boracay, Batanes, Sagada saka sa Palawan,” he said.

Sino naman ang isasama niyang special someone?

“Wala pa,” say niya. “Baka doon makahanap.”

Naghahanap na ba siya?

“Wala pa ngayon, eh. Raket muna ang hinahanap ko, eh. Kasi, darating naman po ‘yun, eh. Kasi sabi ko nga, nanggaling na ako sa mahabang-mahabang relasyon at ilang beses na relasyon. Kumbaga, ayokong sayangin ang pagkakataong ito at kung ano’ng blessing na mayroon ako ngayon.”

Hindi ba siya nai-inspire kay Kim Chiu na leading lady niya sa Ikaw Lamang dahil mukhang haping-happy ito sa lovelife?

“Actually si Kim, nakakatuwa dahil nababalanse niya ‘yung work, tapos nagnenegosyo pa ‘yan,” say ni Coco.

After Ikaw Lamang ay tatapusin naman ng aktor ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang Feng Shui 2 with Kris Aquino at baka raw next year na siya ulit magteleserye.

Gusto niya ay medyo pambata ulit ang next project niya tulad ng Juan dela Cruz pero hindi naman daw necessarily fantaserye.

“After Juan dela Cruz, sabi ko, gusto kong bumalik sa drama, siyempre na-miss ko. Ngayon, nag-drama ako nang almost one year, so, gusto ko namang bumalik sa pambata. Hindi naman fantasy basta ma­lapit sa bata.”

When asked kung siya ba ang gaganap na Captain Barbell dahil balitang gagawin ito ng ABS-CBN, say ni Coco ay hindi raw.

“Hindi po, eh. Maliit ako, hindi bagay sa akin ‘yun,” natatawa niyang sabi.

Kim Chiu sa kalendaryo lang ng Walt Disney magiging Princess Mulan

Masaya si Kim Chiu na siya ang napili ng Walt Disney Company para maging Princess Mulan sa latest project ng nasabing international company.

When asked kung ano ba ‘yung project na ‘yun, say ni Kim, “ano ‘yun, kalendaryo lang talaga ‘yun para sa 2015. Parang isa ako sa representative ng Pilipinas.”

Nagpadala raw ang Star Magic (nagma-manage ng kanyang career) ng profile niya sa Walt Disney at nagulat na lang siya na siya ang napili.

“Siyempre masaya. Siyempre, pangarap ng lahat ng mga babaeng bata na maging Disney Princess, kahit isa man lang doon,” she said.

Pagkatapos ng Ikaw Lamang ay tatapusin naman ni Kim ang pelikulang Past Tense kung saan ay balik-tambalan naman sila ni Xian Lim.

vuukle comment

IKAW LAMANG

KIM CHIU

LANG

NAMAN

NIYA

PRINCESS MULAN

SIYA

WALA

WALT DISNEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with