^

Pang Movies

Marami pa raw ‘fresh eggs’ Ruffa kering-keri pang mabuntis!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na kailangang humingi ng permiso ni Ruffa Gutierrez sa ama ng mga anak na sina Lorin at Venice kung sakaling pasukin ng mga bata ang pag-aartista. Nasa kanya raw ang sole custody ng mga anak kaya walang pakialam si Yilmas Bektas sa mga desisyon niya.

“He’s an absentee father!” diin ni Ruffa nang aming makausap sa isang ospital sa Taguig nang bisitahin ang bagong pamangkin sa kapatid na si Elvis.

Pero tikom ang bibig niya na meron nang kapalit si Yilmas, si Jordan Mouyal na isa ring foreigner. Kontra ang ina niyang si Tita Annabelle sa natsitsimis na lalaki sa kanya dahil kamukha ng dating asawa.

“Meron ba (akong boyfriend)? Sinong JM?” tanong ni Rufing.

‘Yun ang sabi ng nanay niya.

“Ano na naman ang sinabi niya? She’s so madaldal!” tugon ng host-actress.

Magkamukha at magkapareho ng kilos sina JM at ang dating asawa.

“It doesn’t mean that if someone looks like Yilmaz, acts the same as Yilmaz, hello! That’s a childish reaction. Ha! Ha! Ha! ‘Di ba? It doesn’t mean na lahat ng Turkish na kamukha ni Yilmaz is kagaya niya? Wala na sigurong masabi si Mommy!” ka­twiran niya.

Gusto na rin kasing ma-in love ni Ruffa.

“Gusto ko na talaga. I hope that person comes or if he is in my life already, he stays! Pero for me, hindi naman ako masyadong nagpaplano. I mean in ghost na lang!” sey ni Rufing.

Ano ba ang takot niya bilang single parent?

“You have to be very careful, kasi ang mga lalaki ngayon, hindi mo naman alam talaga kung ano ang intention nila. Hindi ka sure talaga if their intentions are clean! For me, hindi naman ako naging ‘yung hindi na tipong ma-in love. I still believe in that and I still believe that my prince charming will come. If not now, I know someday he will come, soon!” pag-aasam ng host-actress.

Hindi naman siya ‘yung tipong hopeless na wala nang lalaking makakasama sa habang buhay. Pero kung sakali, gusto ba niyang mabuntis uli?

“Kung puwede akong magbuntis uli? My God, puwedeng-puwede! I still have a lot of fresh eggs floating around! It’s not a problem. The problem is sperm donor! Ha! Ha! Ha!

“Sometimes I want? But my God? Do I really want to get pregnant again? Nine months? Magpapapayat ka na naman. Magpapalaki ka na naman ng bata.

“Parang…I don’t know if I wanna go back to that again. But I love children and every child is a blessing. Parang for, Lorin and Venice are perfect na!

“But if someone comes into my life  and have a baby, I can tell them that I still have fresh eggs!” deklara ni Ruffa.

Sa bagong season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez na magsisimula sa October 5, Sunday, sa E! channel, malalaman kung ilalantad na ni Ruffa ang bago niyang pag-ibig.

Regine walang ere sa katawan, ayaw isiping sikat

Hinihingan din ni Regine Velasquez-Alcasid ng opinyon ang asawa na si Ogie sa bawat show na tatanggapin niya. Aware rin kasi ang songwriter/host/comedian na sila ng anak na si Nate ang priority ni Songbird.

“Aware siya (Ogie) roon kaya hindi na niya ako kailangang sabihan,” rason ni Regine sa press launch ng Bet ng Bayan.

Once a week lang naman kung gawin niya ang show at overnight lang mag-stay si Songbird sa province na pinagdarausan ng reality/talent show. Twice a month din siyang mag-taping sa Sarap Diva.

“So I really have a lot of time for my family. I enjoy that,” sabi ni Reg.

Pero kahit mataas na ang status niya bilang singer at artista, mas gusto niyang katrabaho ‘yung walang reklamo at hindi sakit ng ulo. After all, never niyang pinasok sa utak niya ang estado niya sa showbiz.

“You know, hindi ko inisip na, ‘Hoy, si ano ako, huh! Galangin ninyo ako!’ I never really think of that, really.

“Basta sa akin, trabaho lang because why would you carry that on your back, ‘di ba? Kasi ‘pag sa set…’Pag nandoon ka sa set, dapat pantay-pantay lang ‘yon. At least that’s how I see it.

“But some people, unfortunately, do not! Fortunately, I am really blessed. So far I’ve worked with really, really good people! Walang ere. Ang hirap namang katrabaho ng late lagi!

“’Yung lang ang experience ko na medyo weird but otherwise, I’m very, very blessed to working with really good people!” pagmamalaki ni Regine.

                                 

vuukle comment

NAMAN

NIYA

PERO

REALLY

RUFFA

YILMAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with