^

Pang Movies

Regine inaming hindi perpekto ang pagsasama nila ni Ogie

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Para kay Asia’s Songbird Re­gine Velasquez-Alcasid, challenging at exciting ang bago niyang hini-host na talent search, ang Bet ng Bayan. Ikina-excite raw niya na halos every week ay nagta-travel siya kung saan ginagawa ang mga audition. 

“Ang ikinaiba kasi ng talent search na ito, kaysa ang mga contestant ang pupunta sa Manila, kami ang pumupunta roon, dala naming lahat ang kailangan,” masayang pagkukuwento ni Regine. “Ang maganda, isinasabay na rin namin ito kung may kapistahan sa lugar nila, na ipini-feature rin namin ang mga attraction nila roon, ang native foods, nagiging parang travelogue na rin. Minsan, isinasabay na namin ang Kapuso Regional Show para mas makapagbigay kami ng saya sa mga tagaroon. Saka hindi lamang ito singing contest, may dancing and extraordinary performances na each ay magkakaroon ng winner, each representing Luzon, Visayas, Mindanao, at Mega Manila.  Ang nagiging problema lamang namin, ang weather.”

Kumusta katrabaho as co-host ang young actor na si Alden Richards?

“Naku, bet na bet ko si Alden, matagal ko na siyang nakakasama sa SOP at Party Pilipinas pa noon at ngayon sa Sunday All Stars pero ngayon lamang kami nagkasamang mag-host. Mabait siya, hindi ako nai-stress. He knows what to do at madali      siyang katrabaho.”

Magsisimula nang mapanood sa Linggo, October 5, ang Bet ng Bayan 9:40 p.m., at may updates si Alden gabi-gabi, 10:05 – 10:20 p.m., directed by Mark Reyes. Naiiba ang contest na ito dahil hindi sila gagamit ng text votes, kaya makakakuha sila ng totoong ta­lents. Regular judges nila sina Louie Ocampo at Kuh Ledesma plus one guest judge. Sa mga provincial contest naman may 10-member judges sila ng bawat community. 

Natanong si Regine kung humingi ba siya ng permiso ng husband niyang si Ogie Alcasid nang tanggapin niya ang proyektong ito. Pagdating daw sa kanilang career na mag-asawa, kanya-kanya na sila ng diskarte.  Magkaiba raw naman ang mga ma­nager nila, pero pinag-uusapan nila kung may mga offer sa kanila.  Inamin din ni Regine na hindi naman perfect ang marriage nila, pero they are working in their relationship and so far, she is having a wonderful time with her wonderful husband and son Nate who is turning three years old in November.

Biniro si Regine kung hindi ba siya naa-attract sa ibang guys lalo kung guwapo ito, pero kapag ti­ningnan daw niya ang guy ang nakikita lamang niya ay si Ogie, isa raw lamang ang guwapo sa paningin niya, ang asawa.

Thankful si Regine na binigyan siya ng show ng GMA na marami siyang free time para makasama ang family, lalo na si Nate na nahihirapan pa rin  siyang iwanang mag-isa.  Kaya the most daw na sinasabi niya kung out of town sila for Bet ng Bayan, overnight lamang siya at uuwi rin agad kinabukasan. 

Sa December, gagawa siya ng isang Christmas special for GMA News & Public Affairs kung saan aarte naman siya.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

BAYAN

KAPUSO REGIONAL SHOW

KUH LEDESMA

KUNG

LOUIE OCAMPO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with