^

Pang Movies

Phil nakaladkad nina Fabio at anak ni Melissa Mendez

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ngayong nagkaaminan na ang totoong nakabuntis pala kay Denisse Oca ay ang modelong si Fabio Ide, kanya-kanyang opinion na naman. Inilabas kasi ni Melissa Mendez ang picture noong binyagan ang anak ni Denisse na apo naman niya sa social media. Lumabas doon na ang tatay nga ng apo niya ay si Fabio. Hindi ‘yun nagustuhan  ng girlfriend ni Fabio ngayon kaya’t nagsalita ng masama sa ina ng bata.

May sinabi pa ang girlfriend ng modelo na ayaw naman daw ni Fabio na maanakan si Denisse, at kung masusunod nga lang daw iyon dapat daw ay nagpa-abort na lang si Denise. Mabilis din namang nag-deny si Fabio na totoo iyon. Ang abortion ay isang krimen sa Pilipinas, at pinapayagan lamang kung ang buhay ng ina ay nasa panganib. Ang abortion ay labag din sa batas ng Diyos at ang sinumang nasasali sa ganyang kaso ay natitiwalag sa saan mang iglesia na kinasasapian niya. Actually iyong statement na iyon ay mas damag­ing para kay Fabio, mabuti at nag-deny siya agad. Pero hindi pa rin natin masasabing libre na    siya dahil tiyak na may mag-iisip na binalak nga niya iyon dahil ‘casual encounter’ lang daw ang nangyari sa kanila ni Denisse.

Ang isa pang punto naming gustong maliwanagan, tinatanggap naman pala ni Fabio na siya ang nakabuntis kay Denisse, dahil lumabas na positibo ang bata sa DNA test, maliwanag na wala man siyang balak pakasalan ang ina ng kanyang anak, inaako naman niya ang responsibilidad sa pagkakaroon ng anak. Bakit ngayon lang nila inamin iyan at pinabayaan nilang madamay pa at mapagbintangan si Phil Younghusband?

Huwag naman ninyong sabihing hindi alam ni Denisse kung sino ang nakatalik niya. Halos imposible namang ni hindi niya sinabi iyon sa nanay niyang si Melissa Mendez noong nagbubuntis na siya. Nakaladkad tuloy ang pangalan ni Phil na wala naman palang kamalay-malay.

Kaya ang nakakaawa sa nangyari ay si Phil at ang may pagkukulang ay si Denisse dahil hindi siya agad nagsalita.

Barbie hindi ligawin!

Inamin ni Barbie Forteza, sa kabila ng kagandahan niya at popularidad, walang nanliligaw sa kanya sa ngayon. Hindi naman daw siya suplada pero wala talagang nagtatangka.

Iyan ang mahirap talaga basta ang babae ay maganda, sikat, at kumikita nang malaki. Natatakot manligaw ang mga lalaki. Siyempre ang iisipin nila bago sila manligaw, kailangan galing sila sa mahusay na pamilya, may sariling kakayahan at siyempre guwapo talaga. Kung hindi ganoon ang sitwasyon, uurong talaga ang lalaki.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

DENISSE

DENISSE OCA

FABIO

FABIO IDE

MELISSA MENDEZ

NAMAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with