^

Pang Movies

Alden ayaw ikumpara ang sarili kay Aljur!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Unang hosting job ni Alden Richards ang GMA reality talent show na Bet ng Bayan at si Re­gine Velasquez-Alcasid pa ang co-host niya.

“Kinabahan talaga ako dahil sanay na si Ms. Regine sa mga singing contest at iba pa. Kasi hindi lang siya ‘yung show na nag-i-stay sa studio. Nasa la­bas po kami kaya kailangan ayusin ‘yung hosting skills.

“Hindi lang po kasi ‘yung hosting ng show ang gagawin ko. Pati ‘yung lugar dapat may knowledge rin ako. Ang concern ko rito ay sana po ay hindi ako magmukhang baguhan sa hosting kasi first time ko po kaya sana kargada po ako,” pahayag ni Alden sa press launch ng show.

Naging produkto rin kasi ng reality show si Alden kaya gamay na niya ang hirap ng mga nag-o-audition dahil sa ginawa rin niya noon sa StarStruck at Pinoy Big Brother.

“Alam ko rin kasi kung paano ma-reject, kaya ‘yung sympathy ko po sa mga contestant talagang alam ko po ang feeling kaya sinabi na si Alden ang maging host sa reality segment,” rason pa ng aktor.

So ano ang feeling niya kapag nakikita niya ang sarili sa mga contestant?

“Nagpapasalamat ako sa Diyos. Kasi ginusto ko ito more than anything eh. Bukod sa nanay ko na gusto ito sa akin, ginusto ko ito for her. Kinalaunan po, na-in love na po ako nang todo sa showbiz.

“Nakakatuwa ‘yung ibang naga-auditions. Minsan, nahu-hook po ako sa ibang contestants sa kanilang buhay.

“Minsan nakakalungkot na hindi nakukuha. Kasi talagang may nangangailangan financially. Gusto nilang makapasok upang ma­­katulong sa kanilang pamilya. Min­san nga lang, hindi nakukuha. Sometimes, lack of talent. Hindi magaling,” katwiran niya.

Hindi ba siya nagugulat sa intriga sa kanya na dahil sa rami ng trabaho niya, nawawalan naman si Aljur Abrenica?

“Naku, hindi po totoo ‘yon! Kasi ako po, naghihintay! Marunong po akong maghintay! Hindi po nagdi-demand sa GMA. Nagsisimula pa lang ako. Mas alam ng GMA kung ano ang ibibigay sa aking project at hindi ako namimili,” dahilan ni Alden.

Pero huwag ka! ‘Yung pagsasamahan nilang movie ni Aljur na Cain at Abel, kay Mark Herras na ibinigay ng GMA Films, huh!

Sen. Grace magaling ‘manggisa’

Hindi katulad sa ibang senador na may ibang agenda

Naimbyerna si MMDA Chairman Tolentino nang makalusot ang isang FHM model na nahuli na lumalabag sa color coding. Ayon sa report, sinermunan ng chairman ang MMDA employee dahil sa ginawa niya sa modelo.

Pero ang pinakabonggang balita kahapon ay ang mga papuring tinanggap ni Sen. Grace Poe sa interrogation niya kay PNP Chief Allan Purisima, huh! Graceful na graceful daw ang dating ng senadora dahil nandoon ang respeto niya sa bisita.

Proud na proud ang mother nitong si Susan Roces sa galing ni Sen. Grace! Showbiz is prouder sa kanya sigurado dahil hindi siya kagaya ng ibang senador na may hidden agenda kapag nanggigisa sa Senado, huh!

vuukle comment

AKO

ALDEN RICHARDS

ALJUR ABRENICA

ALLAN PURISIMA

GRACE POE

KASI

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with