^

Pang Movies

Young actor hindi nasikmura ang sexy actress na mabaho!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi kinaaliwan ng young actor ang isang sexy actress dahil sa balahurang ugali nito at sa kawalan ng personal hygiene. Nagkasama sa isang resort ang young actor at ang sexy actress dahil may weekend show sila roon. Mahusay kasing mag-host si young actor at pang-aliw naman si sexy actress.

Unang pagkikita pa lang daw nila ay para na raw linta na kumapit si sexy actress sa young actor. Gentleman lang daw si young actor kaya hindi niya kayang mabastos ang balahurang sexy actress.
“Ang baho raw ng amoy ni sexy actress” nandidiring kuwento ng aming source na close sa young actor.

“Suot daw ng sexy actress ay tube dress at sabay niyakap daw siya agad. Amoy na amoy ng lalaki ‘yung pawis nito na grabe sa baho. Smile na lang nang smile si young actor sa kanya para ‘di mapahiya.”
Ang ikinabaliw pa raw nang husto ng young actor at pati raw bibig ni sexy actress ay mabaho.

Tinangka pa raw siyang halikan pero panay ang iwas ni young actor. Ginawa na lang niyang pagpapatawa ‘yung iwasan ang mga halik ng bad breath na sexy actress.
“Talagang ‘di siya nagpahalik kahit nagmamakaawa na ang sexy actress. Hindi bale nang mapahiya sa mga manonood ang sexy actress huwag lang niyang matikman ang bibig nito,” tawa pa ng aming source.

 

Kapatid ni Jessy ayaw maging bida

Wala ngang masasabing rivalry sa pagitan ng magkapatid na Jessy at Pam Mendiola dahil sa magkaibang TV network naman sila nagtatrabaho.

Kuwento nga ni Pam na very supportive ang kanyang nakababatang kapatid na si Jessy noong pasukin nga rin niya ang pag-aartista.

Nagtrabaho nga bilang production assistant si Pam sa ilang shows ng ABS-CBN 2 bukod sa pagiging commercial at ramp model nito.

Sa show nga na Pinoy Big Brother Unlimited at The Biggest Loser: Pinoy Edition noong 2011 nagsimula si Pam bilang trainee. Hanggang sa maging part na siya ng staff ng Pinoy Big Brother, Pinoy Big Brother Teen Edition at Pinoy Big Brother Teen Edition Uber in 2012.

In 2013 ay naging segment producer na siya ng I Dare You.

 “Natuwa naman si Jessy dahil mararanasan ko na rin kung ano ang buhay ng isang celebrity.

 “Siyempre, magkaiba pa rin kami. Si Jessy, pambida talaga siya. Ako, okey lang na support ako. Puwede akong maging best friend ng bida or kahit kontrabida.

“Mas gusto kong maging character actress para lahat ng role magagawa ko,” ngiti pa niya.

Unang project sana ni Pam sa TV5 ay ang Pretty Little Liars. Pero na-shelve nga raw ito kaya binigyan siya ng ibang project na Wattpad Presents Mr. Popular Meets Ms. Nobody kung saan gumaganap siyang best friend ni Shaira Mae dela Cruz.

Kabilang nga si Pam sa mga hinawakang talents ng Viva Artist Agency. Tapos siya ng kursong International Studies.

 

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

BIGGEST LOSER

I DARE YOU

INTERNATIONAL STUDIES

JESSY

SEXY

YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with